Chapter 13

454 15 2
                                    

LEALINE LAGANSON's POV (Lea)

I'm already here at M' Canteen to eat my snacks. Waiting for my friends.

Ayoko nga sanang makipagbonding sa kanila dahil alam kong mangungulit lang sila sakin na magkwento pero ano naman sasabihin ko? Baka kung ano pa isipin nila kapag umiwas ako lalo na kay Kieshia.

Um-order muna ako ng makakain bago ako naghanap ng mauupuan.

After ilang minutes, kasama ko na ang mga kaibigan ko. Maingay at magulo. Tawanan lang sila ng tawanan habang ako ay nakikitawa lang din kahit na hindi ko naman sila naiintindihan.

Buti pa sila masaya. Gusto ko tuloy sisihin si Kieshia dahil sa nangyari.

Flashback

Kinikilig ako! Walang mapaglagyan ang kakiligan ko. Gosh! Papasalamatan ko talaga ng bongga sina Kieshia dahil sa plano nila. OMG! Hindi kaya ako handa.

"Lea right?" Napatigil ako sa pag iisip nang magsalita siya kaya napatingin ako sa kaniya. Nakatingin rin siya sakin. Kyaaah! Gusto kong sumigaw at magtatatalon kaso nakakahiya.

"O-Oo. Hehe." Gosh! Nauutal ako.

"Matagal na ba kayong magkaibigan ni Kieshia?"

"H-Ha?" Nabigla ako sa tanong niya. Nakaupo kami ngayon sa vermuda grass sa ilalim ng malaking puno. Ang ganda ng view, perfect. Lalo na at kasama ko ang lalaking gusto ko. Feeling ko tuloy, we are dating. Hihi

"I want to know kung paano kayo naging magkaibigan.." Sabi niya na hindi man lang sakin nakatingin.

Siguro inaalam niya ang background ng mga kaibigan ko. Kyaaah. How sweet.

"Elementary palang magkakakilala na kaming tatlo.." Sinimulan ko magkwento. "Bagong lipat lang sina Kieshia sa village kung saan din kami nakatira ni Nicole that's why.." Pinaikli ko nalang ang kwento habang nakatingin lang ako sa kaniya. Pag tumitingin naman siya sakin, iniiwas ko agad ang tingin ko. Nakakahiya kaya.

"I see. Saang school siya galing?" Napataas ng bahagya ang isang kilay ko. Siguro napansin niyang hindi ko na-gets ang sinabi niya kaya inulit niya. "Si Kieshia, saan siya dati nag-aaral?"

Bakit kaya gusto niyang malaman? Sabagay, new student kasi si Bes eh tapos classmate niya pa. Malamang curious lang. Hehe.

"Sa St. Agnes Academy siya galing..." Tumango-tango naman siya. Napapangiti naman ako. Siguro kahit hindi siya magsalita magdamag basta kasama ko lang siya, buo na ang araw ko.

Pero ano nang sasabihin ko ngayon. Baka isipin niya ang boring kong kasama.

"Kieshia is half chinese right?" Maya-maya'y tanong niya.

"Ah. Oo. Her Mom is pure Filipina, and her Daddy is pure chinese. Kaso hindi niya na ito naabutang buhay because according to her baby pa lang daw siya ay namatay na ito." Mahabang pag explain ko. Tiningnan niya lang ako ng seryoso pero kinalaunan ay ngumiti rin ng tipid.

Sakin kaya, hindi niya man lang ba ako tatanungin ng tungkol sakin?

"Lea?" Biglang lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa pagtawag niya sakin. Pagtingin ko sa kaniya ay seryoso lang siyang nakatingin sakin.

Oh my gosh! Oh my gosh!

Why is he staring at me? God! Aamin na ba siya na may gusto na rin siya sakin? I can't take this anymore!

"Yes..." Nakangiti kong sagot! Oh my god! Ready na akong maging girlfriend niya. I promise to be a good girlfriend to him.

"Huh?" Kunot noo naman niyang tanong.

Say It And You're Mine (SIAYM)Where stories live. Discover now