Chapter 11

463 15 1
                                    

"Sumunod kana lang kung ayaw mong masaktan!" Hirit ng isa sa kanila. Sasagot pa sana ako pero bigla na nila akong binitawan at umalis.

Tsk! Parang mga tanga!

Inayos ko ang uniform kong medyo nalukot tapos ay nagpatuloy na akong pumunta sa main gate.

"Uy Bes! What took you so long?" Bungad niya agad nang makita ako.

Sasabihin ko ba ang totoo? Hays. "Ano. Wala. Traffic eh." Pagsisunungaling ko.

"Ano ka dumaan sa Edsa? Halika na nga.." Sabay hila niya sa kamay ko. Buti naman hindi na siya nagtanong pa.

"Ano palang sabi sa'yo ni Lea? Bakit daw umuwi na siya agad?" Tanong ko habang naglalakad kami papunta sa parking lot ng school.

"Biglang sumama raw ang pakiramdam eh.. Gusto ko pa naman malaman kung ano napag usapan nila ni Brix Kian. Hmp!" Paghihimutok niya. Kahit ako ay naeexcite kung ano nangyari, pero mas nag alala ako para kay Lea.

"Okay lang ba siya? Puntahan kaya natin sa bahay nila..."

"Tinawagan ko na, okay na daw siya. Bigla lang daw talaga sumakit yung tiyan niya kanina. Siguro dahil na din sa sobrang kakiligan. Ikaw ba naman masolo yung crush mo eh. Hahaha." Napapailing nalang ako. Sana nga ganun talaga.

"Nandito na pala tayo, sabay kana sakin.." Sabi niya nang makarating na kami sa may kotse nila. May sundo kasi sila at dahil parehas na rin lang naman kami ng school ay pinapasabay na nila ako.

"Sa sunod na lang, may dadaanan pa kasi ako eh." May pinapabili kasi ang mama ko kaya dadaan pa ako sa Mall.

"Saan ba? Pahatid na kita sa driver---"

"Wag na Nics, sige na. Ingat kayo." Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya dahil tumalikod na ako.

May malapit na mall lang naman dito kaya nilakad ko nalang.

Okay lang kaya si Lea? Nakakapagtaka lang kasi si Brix hindi na rin pumasok. Ano kayang nangyari?

*Beeeeeeep!*

Nagulat nalang ako nang biglang may humatak sakin, at sabay kaming napasubsob sa kalsada.

"Shit! That was close." Narinig kong sabi ng istrangherong may dahilan nang pagkakasubsob ko.

"Miss, are you out of your mind?!"

Ano bang ipinuputok ng butsi ng taong to?!

"Hoy! Kung makasigaw ka akala mo close tayo ah?! Baliw ka ba ha?" Sigaw ko sa kaniya habang pinapagpag ang damit ko. Basta-basta nalang kasing susulpot tapos ngayon nagbubunganga. Tsk!

"Huh! Really Miss? Sino kaya sa atin ang wala sa sariling naglalakad sa gitna ng kalsada?" Napailing ako sa sinabi niya at napagtanto kong tama nga siya. Letse! Sa sobrang pag iisip ko hindi ko na namalayang nasa gitna na pala ako ng kalsada. "What now? Hindi ka man lang ba magpapasalamat sakin?"

Magpapasalamat na sana ako sa kaniya dahil niligtas niya ako kaso ang yabang ng dating niya kaya nagbago ang isip ko. "Why would I do that? Humingi ba ako ng tulong sa'yo?" Mataray kong balik sa kaniya.

Narinig kong bahagyang siyang napamura.

"H-Hindi ka magpapasalamat?" Tila nagtatakang tanong niya habang nakapameywang.

"Hin---"

"Fine!" Mabilis na pagputol niya sa dapat na sasabihin ko. Tapos ay bigla siyang tumalikod at akmang aalis na.

Say It And You're Mine (SIAYM)Where stories live. Discover now