Chapter 29

254 9 0
                                    

Kieshia Em Lim's POV

"Hi Besty!"

"Uy, kumusta? Ikaw ah. May date pala kayo ni Brix kahapon, di man lang kami nainform." Pagbibiro ko.

"Pasensiya na best ah. Kasi naman he's so very ano eh."

"Ano?"

"Hm, gentle? Sweet? Omyg talaga. Yesterday was the best day of my life."

Natawa na lang ako. "Best, sorry pa din noon ah."

Nagkunot bigla ang noo ko. "Yan na naman tayo. Sabing kalimutan na yan." Ayoko ng maalala ang nangyari dati, ayokong isipin pa na dahil lang sa isang lalaki ay muntik ng masira ang pagkakaibigan namin. Ayoko.

"Basta sorry pa din." Hirit niya pa.

"Oo na. Oo na. Oh, may ipapakilala pala ako sainyo ni Nicole."

"Huh? Sino?"

"Basta. Mamaya lang makikita mo yun."

"Hmp. Okay. By the way, kumusta kayo ni Calyx Rio?"

"Ha?"

"What's with that look? You mean, hindi pa din kayo okay?"

"Hindi ko alam."

"Ano ba yan, best. You two are so malabo talaga."

Malabo? Sa tingin ko rin. Hindi ko kasi malaman ang takbo ng isip ng lalaking yun. Minsan okay naman siya, minsan cold, madalas parang laging galit. Ewan ko ba.

"Hi besties!" Sabay kaming napatingin ni Lea sa nakangiting si Nicole.

"Ey Nicole. What took you so long ba?" Reklamo agad ni Lea.

"Hmp! Kakatapos lang kasi ng practice namin. You know, yung sa P.E. Bukas na kasi ipepresent yun, right?"

Tumango naman si Lea. "Kayo ba? Tapos na magpractice?"

"Yup! Madali lang naman gagawin ng group namin."

"Okay." Sagot ni Nicole pagkatapos ay bumaling siya sakin. "Kieshia, kumusta?" Nangingiti niyang tanong.

Anong meron sa ngiti niyang yan?

"O-Okay ka lang?"

"Haha. Oo naman. Ikaw, okay ka lang?"

"Yes. Ang tahimik mo kasi. Parang hindi ako sanay."

Mabuti ng hindi nila alam yung nangyari sakin kahapon, mag aalala na naman kasi 'tong dalawa.

"Yeah. Napansin ko rin yan." Singit ni Lea.

Magsasalita na sana ako pero nakita ko si Berna na mabagal na naglalakad.

"Berna!" Sigaw ko.

Pareho namang nag salubong ang kilay ng mga kaibigan ko.

Hinintay kong lingunin ako ni Berna pero hindi niya ata ako narinig kaya tinawag ko uli siya.

"Uy best, sino yun?"

"Wait lang."

Lumapit ako kay Berna na nakatingin lang sakin mula sa malayo.

"Hello Berna. Tara dun oh. Ayun yung mga kaibigan ko."

"N-Nakakahiya."

"Ano ka ba naman. Mababait ang mga yun, maiingay nga lang. Tara, ipapakilala kita sa kanila."

Say It And You're Mine (SIAYM)Where stories live. Discover now