Chapter 14

446 13 0
                                    

"Oh my god girl! May gunting ka ba diyan?" Maya maya'y sabi niya. Nagtaka naman ako sa tanong niya.

"Wala yata. Bakit?"

"Sayang! Ang sarap mo pa namang putulan ng buhok!" Umiling iling nalang ako. Oo, mahaba ang buhok ko na lagpas sa balikat at talagang maganda ito.

"Oh pano yan? Ano nang plano mo ngayon?" Tanong niya pa. Isang malalim na buntong hininga lang ang sinagot ko sa kaniya. "Grabe talaga ah! Talagang lumipat pa ng section yang si Calyx Rio para lang.. Well, hindi ko alam kung anong pinaplano niya at lumipat pa talaga siya ng section ah.." Bigla akong napaisip sa sinabi niya.

Hindi imposibleng may pinaplano nga yung si Mr. Ocampo, dahil una sa lahat. Bakit niya gagawin yun?

"Nicole, tanong lang ah. Ngayon lang ba siya nagpalipat ng section?"

"Tinatanong pa ba yan? God Kieshia! Alam ng lahat na ayaw na ayaw niyang mapunta sa higher section, kaya sobrang nakakapagtaka lang na bigla mong ibabalita sa akin na classmate na kayo, knowing na nasa section A ka. Geez!"

"Sa palagay mo, ano nga kayang pinaplano niya?" Pabulong na tanong ko.

"Isa lang naman ang naiisip ko eh.." Seryosong sabi niya. Hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan ako sa sasabihin niya.

"A-Ano?"

"May gagawin siya sa'yo." Kalmadong sagot niya.

"Ano??"

"Ssshhh! Wag ka ngang maingay.." Tapos ay lumapit siya sakin. "Remember your first day here in school?" Tumango naman ako. "Diba, he asked you kung ano pangalan mo? Then ikaw naman tong si pabigla-bigla ay agad na sinagot ang tanong niya.." Umikot pa ng bahagya ang mata niya.

Ang daming paligoy-ligoy. "Diretsuhin mo na kasi." Atat na reklamo ko.

"Paparusahan ka na niya..." Diretsong sabi niya. Kusang lumaki ang mata ko sa sinabi niya. "'Di pa ko tapos. Siguro, sisingilin kana niya sa ginawa mong pagsigaw at pagpahiya sa isang Calyx Rio Ocampo.."








*****






CALYX RIO OCAMPO's POV

"Anong pinaplano mo?" Kalmadong tanong ko sa kaniya. Nasa H'Canteen kami dahil break time. Grexthel is not yet around.

"Wala." Tipid niyang sagot habang busy sa pagpindot ng cellphone niya.

"Wala? Come on Brix. I know you have a plan." Bahagya akong tumawa. "Now, tell me.." Naghihintay ako ng sagot pero wala akong narinig galing sa kaniya dahilan para mag init ang ulo ko.

"Fuck!" Inis kong nasipa ang bakanteng upuan dahilan para makuha ko ang atensyon ng lahat na nasa canteen.

Tumayo ako at tiningnan silang lahat. "All of you.. Out!" Natataranta namang nagsialisan ang mga estudyante nang wala sa oras. Pero si Brix ay nanatili pa ring nakaupo at busy sa cellphone nito.

"Umiinit na naman ang ulo mo Mr. Ocampo.." Sa wakas ay nagsalita siya. "Ikaw, anong pinaplano mo at nakuha mo pang maglipat ng section?"

Fuck! Dammit!

"Do you have any problem with that?" Taas ang isang kilay na tanong ko.

Ngumiti lang siya ng tipid bago muling nagsalita. "Wala naman. It's just that, I'm starting to get curious." Sabi niya habang nakatingin sakin.

Curious his face.

He's my friend, pero hindi ko maintindihan kung bakit parang nakikipag kompetensiya siya sakin.

Say It And You're Mine (SIAYM)Where stories live. Discover now