Chapter 27

214 9 0
                                    

Calyx Rio's POV

I was surprised seeing her alone. A part of me wants to hug her the moment I saw her but damn! I really don't know what exactly to do! Hindi ko alam kung tama bang iwasan ko siya after what happened. Fuck me.

Now we are heading to H'Canteen but suddenly I remember something kaya tumigil ako.

"Grexthel." I said without looking at him.

"Oh?" Sagot niya naman.

"Do you still remember the day na inutusan kitang alamin ang pagkatao ni Lim?"

"Hmm." He frowned, thinking. "Yeah. Bakit mo naitanong?"

"Alam mo kung sino siya?"

"What do you mean?"

"Tss! Kung sino nga siya. Kung ano talaga siya."

"Not really. Hindi ko naman kasi binasa kung ano ang laman ng info. Bakit ba?" Grexthel asked curiously.

"Wala."

"Bakit nga? Allien ba si Kieshia? Diwata? May powers?"

"Fuck you."

"Woah. That's harsh." Grexthel chuckled.

So meaning, wala nga siyang alam tungkol sa tunay na pagkatao ni Lim? Damn it! I never thought that the situation was more difficult than I expected. Fuck this!

Kieshia Em Lim's POV

Bakit parang nasasaktan ako kapag nakikita ko siya? Bakit parang ang bigat bigat ng dibdib ko dahil hindi niya ako pinapansin. Dati naman, siya pa 'tong bigla na lang susulpot at sisigawan ako, ngayon nag iba na siya. Lumipat na rin siya ng section na talagang ikinagulat ko. Ano bang nagawa ko sa kaniya? Hindi ko na talaga alam kung anong nangyayare sakin. Simula nung nahospital ako, pakiramdam ko may nag iba na.

"Malulunod ako." Bigla akong napatingin sa pinanggalingan ng boses.

Gumalaw ito kaya nakita ko siya.

Wait---
Siya na naman?

"A-Anong ginagawa mo dito?"

Nasa likod nga pala ako ng building 4. Bakit hindi ko man lang naisip na baka nandito siya.

"Well, obviously nakahiga." Sagot niya habang umupo sa damuhan. Nakahiga siya kanina sa may pinakadulo at may harang na malalaking bulaklak kaya hindi ko siya agad napansin.

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Bakit diyan ka kasi nahihiga? Wala ka bang sariling bahay?"

Tiningnan niya ako tapos ay biglang tumawa. "Haha. Dito ko gusto matulog eh, masama?"

Malamang. Baliw ata ang isang 'to e. "Oo. Hindi ka naman siguro estudyante ng paaralan dito, kaya kapag may nakakita sa'yo for sure hindi ka na makakabalik pa sa lugar na 'to. Kaya if I were you, umalis ka na lang."

"Ouch!" Kunwari'y nasaktan siya sa sinabi ko. "Bakit mo 'ko pinapaalis? Sa'yo ba ang lugar na 'to?"

"Hindi pero kasi baka may makakita sa'yo dito." Bully pa naman ang mga tao dito.

"So what?"

"Tsk! Bahala ka nga." Ang hirap mong sabihan. Hindi ko na lang siya pinansin at saka itinuon ang atensyon sa ulap sa itaas.

"Hahaha!"

Galit ko siyang sinamaan ng tingin. "Napano ka?" Bigla-bigla na lang tatawa.

Say It And You're Mine (SIAYM)Where stories live. Discover now