Chapter 3

617 20 0
                                    

Dumiretso na lang akong mag isa sa canteen. Hindi na ako nagtaka nang makita ko kung gaano kalaki ang canteen dito. Ang ganda. Pang mayaman talaga. Well, hindi naman kasi ako mayaman tulad ng mga kaibigan kong sina Lea and Nicole, nagkataon lang na mataba utak ko kaya nakapasok ako sa school nila na to.

Speaking of kaibigan? Nasan na kaya yung dalawang yun?

Naglakad lakad pa ako sa loob nang marinig ko ang boses ni Lea.

"Girl?" Agad akong napalingon sa kanya. "Oh my god! Okay ka lang?" Nag aalalang tanong niya.

"Ikaw na babae ka, bakit ganyan ang suot mo? Hindi ka naman naka p.e uniform kanina ah. Tell me, anong nangyari?" Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. They really look so worried.

"Maupo muna tayo pwede?" Suggest ko. Sumang ayon naman sila kaya naghanap muna kami nang mauupuan tapos ay umorder na rin para tuloy-tuloy na ang pagchichikahan namin.

"So, sabihin mo nga sa amin ang nangyari. Okay ka lang ba?" Seryosong tanong ni Lea. Sa tingin ko okay naman ako.

Sasagot na sana ako pero nagsalita naman si Nicole. "Gosh! Binully ka ba ng mga istudyante dito? Sinasabi ko na nga ba Kieshia, dapat hindi kana nakialam pa kanina." Panenermon niya.

Nagtataka naman akong pailing-iling lang sa kanila.

"Anong sinasabi niyo?" Curious kong tanong.

"Wait girl, kanina ba nung pumunta ka dun sa nagbubugbugan, anong ginawa nila sa'yo? O may sinabi ba silang masama sa'yo? Lalong lalo na si Calyx Rio?"

"Calyx Rio? Yun ba yung lalaking parang leader nila? Yung ang angas ng dating na akala mo naman kung sinong gwapo---"

"Kieshia ano ka ba! Bulag na lang ang hindi mahuhumaling sa kaniya."

"Ganun? Tsk. Okay."

"So ano, may ginawa ba siya sa'yo?"

"Wala naman. Tinanong niya lang naman ang pangalan ko---"

"OH MY GOD!" sabay pa silang napahawak sa bibig nila.

"Bakit?"

"Sinabi mo ba pangalan mo?" Tumango naman ako. Anong masama dun?

"Mag drop out kana girl!"

Ano? Mag drop out? Haha. "Ano ako baliw? Matapos kong paghirapan ang school uniform ko dito tapos magda-drop out lang ako dahil sinabi ko sa kanya ang pangalan ko? You must be kidding." Natatawa ko pa ring sabi.

"Hindi mo kasi kami maintindihan. Ugh!"

"Kasi nga, hindi niyo naman pinapaintindi sakin!" Inis na sagot ko sabay kain ko ng sandwich na nasa harap ko.

"Lumapit ka.." Sabi ni Lea kaya lumapit naman ako para magkarinigan kami. "Alam mo ba na kilalang kilala silang tatlo dito sa campus? Well, malamang hindi mo alam." Nagbwelo muna siya bago muling nagsalita. "Yung si Calyx Rio Ocampo ang nagmamay ari ng school na to, plus marami pa silang pag mamay ari sa iba't ibang bansa like resorts, cassino at kung anu ano pa. Si Grexthel Kirk Valladolid naman ang pumapangatlo sa kanila, pag aari ng family nila ang iilang mall dito sa Manila and maging sa states. At last, si Brix Kian Castillo..."

Si Brix? Sabagay, kaibigan niya nga pala sila.

"Uy Kieshia, nakikinig ka ba?"

"Ah. Oo, so ano kay Brix Kian?"

"Si Brix Kian Castillo, family niya naman ang may ari ng five star hotel dito sa buong Makati. May mga sikat na restaurant rin silang pag aari dito at sa Spanya." Pagpapatuloy ni Nicole.

Say It And You're Mine (SIAYM)Onde histórias criam vida. Descubra agora