Chapter 8

493 18 3
                                    

Isang linggo na rin ang nakakaraan mula nung na-hospital ako, at ngayong araw na to ang pagbabalik ko sa school.

"Anak, dalian mo na diyan at baka malate ka pa." Sigaw ni Mama sa labas ng kwarto ko.

"Opo Ma, patapos na po.." Sigaw ko naman. Mabilis akong nakapag ayos at pumasok na ako sa iskwela. Ang dami ngang bilin sakin ng Mama ko bago ako makaalis eh. Hehe

"Alright! This is it! Goodluck to me!" Pagchi-cheer ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari sakin ngayong araw kaya kailangan kong maging maingat at mapagmatiyag. In short, kailangan kong maging Matang Lawin. Charr!

Marami pa ring katanungan sa isip ko na gusto kong mahanap ang kasagutan, pero sa ngayon kailangan ko nang pumasok dahil late na ako. Waaah!

"Tabi diyan! Tabiiii!" Sigaw ko habang tumatakbo papasok sa campus. Nagsisitabihan naman ang mga nadadaanan ko.

Bakit ang bilis ng oras? Huhu

Kasalukuyan pa rin akong tumatakbo papasok sa campus, at nang makapasok na ako ay nagpahinga muna ako ng konti.

"Whew! Nakakapagod tumakbo ng tumakbo." Sabi ko sa sarili ko na nakatungo at nakahawak sa tuhod. Sa aking pagtayo, napansin ko na ang mga istudyanteng nagkalat. Yung iba naglalakad, yung iba nakikipagchismisan at meron pa ding nagbubulungan nang makita ako.

Well atleast, wala silang mga dalang pwedeng ipangbato sakin.

Naglakad nalang ako papunta sa direksiyon kung saan ang room ko pero may nakita akong naglalakad mag isa kaya napahinto ako.

Tinitigan ko muna siya at nang masure kong siya nga si ano, ay agad akong lumapit sa kaniya.

"Hi." Halatang nagulat siya sa biglang pagsulpot ko.

"Hello." Bati niya.

"Haha. Salamat pala sa pagbayad ng bills ko pati na rin sa mga gamot ko ah? Tapos may mga bodyguards pa talaga? Haha! Ang bongga!"

"Ah, yun? Wala yun. Buti naman at mukhang magaling kana." Nakangiti niyang sagot.

"Bakit mo nga pala ginawa yun?"

Tila nag isip pa siya bago sumagot. "Hmm. Bawal na bang tumulong ngayon?"

"Hindi naman pero kasi nakaka-curious lang." Curiousity is killing me. Hehe.

"Haha. Sabagay, kahit ako nga ay curious rin.." Natatawang sabi niya.

Anong ibig sabihin niya?

"C-Curious ka rin? Saan? Paano? Bakit?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Hey. Hey. Hindi pa tayo nagpapakilala sa isa't-isa okay? Easy. Haha." Oo nga pala. Masyado akong naexcite.

"Hello, Valladolid? Hehe. I'm Kieshia Em Lim.." Sabi ko sabay lahad ng kamay para makipagkamay.

"Ang pormal naman nung Valladolid. Haha. Just call me Grexthel. Nice to meet you.." Sabi niya at nag shake hands kami.

"OH MY GOD!"

"GOSH! SI GREXTHEL KIRK!"

"WHO'S WITH HIM?"

"NEW STUDENT. ERR!"

"WHAT A BITCH!"

Iilan lang yan sa bulungan ng mga impaktang nasa paligid namin ni Grexthel.

Lakas makaparinig. Akala mo naman kung sinong magaganda! Mayayaman lang naman sila. Tsk!

"Kieshia, easy okay? Baka bumalik ka na naman niyan sa hospital. Haha!" Pagpapa-alala niya. Napansin niya siguro na nakatingin ako sa mga impakta. "Wag mo nalang silang pansinin, gwapo kasi tayo. Haha!" Napapailing naman akong tumingin sa kaniya. "Ay! Ako lang pala ang gwapo. Haha. Ikaw maganda ka, maybe they're just insecure kaya ganiyan sila." Ang saya naman kasama ng taong to. Ang daldal. Mas madaldal pa yata ito sakin eh.

Say It And You're Mine (SIAYM)Where stories live. Discover now