Chapter 1

2.1K 63 17
                                    

Ako si Pedro.

Pedro Penduko. Joke. Si Pedro Serrano po. Tubong Santa Mesa, Maynila.

Sabi nang lola ko, ampon lang daw ako. Ampon lang daw ako ng mga sampid kong magulang. Iniwanan daw siya nang isang pabigat na katulad ko. Kaya noong bata pa ako, hanggang sa nagbinata na, eto. Puro panlalait lang ang naririnig ko galing kay lola. Nakakasawa na nga, eh. Buti nalang, nasanay na ako.

Tumutulong ako kay tito ko sa pagcacarwash. Buti nalang, magbarkada kami ng tito ko. Wala pa rin siyang asawa. Nagsawa na kasi palagi nalang daw siya nabubusted. Kaya ayun. Pinagtuonan niya ng pansin ang relation niya sa mga sasakyan. Kaya lang, taga linis lang. Haha.

Kaya ayun, today my life begins.

Boom, English yun. Eh kung mayaman lang talaga ako. Kung bigla lang sana akong yumaman. Kahit araw-arawin ko pa ang pakikipaglandian kay manang tagabantay ng PCSO. Matupad ko lang ang mga pangarap namin ni Tito Bong ko. Kontento na sana ako sa buhay.

***

♫ Treasure! That is what you are. Honey you’re my golden… ♫

“Hoy! Pedro! Tumulong ka naman! Huwag puro tamad-tamad lang. Kanina ka pa. Sinasabi ko sayo, ah!”

Meet my masungit at matapobreng lola, si Lola Basyang, este, Lola Francia. Palagi niya akong sinisigawan. Araw-araw. Kada oras. Kada segundong nakikita ko siya, bunganga niya lang ang nadadatnan ko.

“Opo, lola. Eto na nga po, oh.” Kumuha na ako ng tabo at timba at pumunta na sa may gripo kasi magcacarwash daw, eh, kanina pa ako tapos.

“Loko ka, ah! Marunong ka nang sumagot ngayon!” Mas nagalit?

“Sorry po, lola. ‘Di na po mauulet.”

Hay! -_- Nasan na kaya si Tito Bong. Kanina ko pa siya hinihintay. Naiwan kasi ako dito sa carwash namin. 

Bobong Carwash

“Car Wash Everyday keeps out the Germs Away”

Bobong tagline na ‘yan. Natawa lang ako. Si lola kasi ang nagsuggest niyan. Eh, si tito walang nagawa. Ayan, ang daming nagpapacarwash samin. Isa, dalawa, sa isang linggo. -_- Andami, pramis. Okay na rin, kasi nakakapagod din pag marami.

Binuksan ko na ang gripo. “Kssssssssh!” Ang lakas ng pressure.

“Hoy! Pambihira kang bata ka, pahinaan mo ‘yan! Hindi ikaw ang nagbabayad ng bill sa tubig!”

Ugggh! Naiinis na ako kay lola. Kung hindi mo lang ako kinupkop ng buong buhay ko, patawarin Niyo ‘ko Lord, punong-puno na po ako.

“Anong kaguluhan ‘to?” Nandito na si tito. ^_^

“Wala po tito. Kasi po…”

“Etong si Pedro, sinasayang ang tubig. Ang lakas-lakas magpa-agos ng tubig. Pinagsasabihan ko lang na magtipid. Aba’y ang mahal mahal na ng tubig ngayon. Isali mo pa ang kuryente, alam mob a kung…”

 “Okay na po, ma. Sssh! Alam naman po niya ang ginagawa niya. Hali na po tayo, eh, may pupuntahan pa po tayo, baka malate ka pa sa ballroom mo.” Tiningnan ako ni tito at parang may ibinulong sa akin, “Mamaya pa ako babalik. Ikaw na bahala dito, ah.”

Yas! Buti nalang aalis si tito. Makakapanood na rin ako ng TV. Kanina pa akong nasasabik talaga.

***

My name is Prince. Prince Sanchez Anderson.

I live in a life of luxury, riches, and everything your life could ask for. Born in Birmingham, England but was raised in Australia since we had to migrate because of business issues.

The Prince at ang Pobre (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang