Chapter 5

908 32 4
                                    

Pedro's POV

"Gu day mayt!"

O diba? Ang galing-galing ko nang mag-Australian. Haha. Wow! Namamangha talaga ako dito. Ang init masyado. Akala ko may snow din. Bad trip. Wala pala.

Nandito kami ngayon sa Melbourne. Melbourne, Victoria, Australia. Ang ganda pala rito. Malinis tsaka ang mga tao, organisado. Hindi katulad sa Pinas. Nagkakagulo lang lahat.

Sino ba namang mag-aakala, isang pobreng katulad ko ay biglang makakaapak sa mayamang bansa ng Australia.

Hay naku! Halos kada-oras, may bitbit akong pagkain. Madali kasi akong gutumin, eh. Kaya ayun. Tataba ako dito ng hindi oras.

Ikatatlong araw na mula ng umalis ako ng Pinas. Namimiss ko na agad sila tito, yung car wash. Lalo na si Jill. Miss na miss ko talaga ‘yun. Eh, araw-araw kaming nagkikita nun. Wala pang kahit isang araw na hindi kami nagkikita ‘nun.

Siguro, ngayon lang. At matagal na para sa’kin ang tatlong araw. Nakakamiss pala, ‘no?

Nakakalungkot na nakakatamad ngayon. Wala akong makausap na matino maliban kay tito tsaka kay Hana. Nandito ako ngayon sa malaki at magara nilang mansion. Andaming mga katulong pero hindi ko naman alam kung san galing. Hindi ko matantsa kung Pinoy ba o kung anong lahi lang. Mahirap.

Ganito pala dito sa Australia. Hindi katulad dun sa Pinas. Madali lang ang mga bagay kung sanay ka na. Pero kung bihira lang ang mga nakikita mo, nahihiwagaan ka talaga. Grabe, nakakamangha nga.

Binigyan ako ni tito ng cellphone. iPhone 5S ang nakalagay sa likod ng cellphone. Eto na ba ‘yung pinag-uusapan ng mga kabarkada ko na pangarap daw nilang cellphone. Wow. Ang ganda ne’to. Ang ganda sana kung marunong akong gumamit. Eh, hindi.

Nakita ako ni Hana. Kinukulikot ko ang iPhone. Hindi naman ako marunong gumamit. Lumapit siya sa’kin.

“Ui, Peter, what are you doing?”

Tumingin ako sa kanya. “Pedro, hindi Peter.” Nakakainis siya, ah.

Natawa siya sa’kin. “Alam mo bang nakakatanda sa’yo ang pangalang, Pedro? Eh, pang-old people ang name na ‘yan eh.” Tawa siya nang tawa.

“Ha?” Nakakainis ‘tong mokong na ‘to, ah. “Eh, maganda naman, ah. Si Jill nga, Pedro ang tawag sa’kin.”

“Alright. But I will still call you Peter whether you like it or not.”

“Bahala ka sa buhay mo.” Hindi ko na siya pinag-abalahan. Mas pinagtuonan ko ng pansin ang cellphone kong bago.

“Are you sure, you know how to use that?” tanong niya.

“Bakit? Tutuksoin mo naman ako kasi hindi ko alam pano gamitin ‘to?”

“Nope. I was just hoping if I can help?” Englishera talaga ‘tong si Hana. Kakainis. Alam niya namang hindi ako magaling sa English, lalo niya lang pinapadugo ang ilong ko. Buti nalang naiintindihan ko parin ang salitang ‘help’.

“O siya, turuan mo nga akong gumamit ne’to.” Ibinigay ko sa kanya ang cellphone.

Binuksan niya ang phone tsaka nagpakita na naman ‘yung “Slide to Unlock” na kanina ko pang pinagsasawaan.

“Do you see this?” yung ‘Slide to Unlock’. Kanina ko pa nakikita ‘yan.

“Oo.” Sabi ko. Nagmamaldito na naman ako.

“Slide daw. Ibig sabihin, idrag mo ‘yang arrow to the right.”

Hindi ko iniintindi ang sinasabi niya. Tinitingnan ko lang kung pano niya ginagawa.

The Prince at ang Pobre (Completed)Where stories live. Discover now