Chapter 10

675 20 2
                                    

***

0tw 2 xkul qUytH :)))) echAy echAy!
qRAveH! :3 aHn iNit!! dI maKerRi aHnG heAt!! sHyetAy!
pNahUqaSh pk0 n! mUdRahX nq pNAgKa!nAhN! pUksHyeTaY ka tE SaMmEh! hEtcHU! -_-
# zAraHiRr
# aFtIee 
# eKshDee

***

Bash trip talaga. Ang init. Nandito po ako ngayon sa school. Magpapaenroll daw. Ay, naku. Nakakatamad. Bakit naman ako magpapaenroll. Pramis. Nakakatamad talaga.

Hindi ako sinamahan ni ate Sam. Kakainis. Kaya nagGM na'ko baka may magayuma sa teks ko tsaka sumama sa'kin. Ang init po talaga. Pasensiya na kung paulit-ulit kong sinasabi. Mainit na mainit lang talaga.

***

"Hoy jeje! Psama nman. Ppenroll dn aqu. Hihi."
Umayshutabells! Si Alex. Nagtext. O.O

Si Alexander Sandford. Joke. Hindi siya kapatid ni Cross Sandford. Loko lang.

Si Alex Cojuanco, ang crush ko since una ko siyang nakita nung first year high school ako. Grabe, ang cute-cute niya. Hanggang ngayon, cute parin siya. Pero nang dumating si bebe Prince sa buhay ko, naging second crush ko nalang siya.

***

Nandito na ako sa tapat ng school gate ng Manuel Quezon Memorial High School. Fourth year na po ako sa pasukan. Ganun din si Alex. Magclassmate kami sa pinakamataas na curriculum. Ang Mentally Gifted class.

Heartthrob 'yan si Alex sa school namin. Makalaglag panty talaga 'yan. Halos mapabuntonghininga pa nga ako kapagka lumalapit 'yan sa'kin tsaka nagtatanong ng kung anu-ano kasi di naman ako nakikinig. Nasastarstruck lang ako. :3

Kaya nga nung kapagka nakikita ko 'yan si Alex, bigla nalang ako nahi...

"Hoy Jeje, kanina ka pa ba dito?"

Ano ba ba't may nangangalabit sa...

"Ay! Alex, ikaw na pala." Shyeet! Nakakahiya. Siya na pala. May dalang payong.

"Ang init dito. Ba't di ka nagdala ng payong?" Shutek! Di pala talaga ako nagdala. Kaya pala kanina pa ako panay sa pagrereklamo. Kakahiya talaga.

"Oh, eto. Gamitin mo na. Di naman ako sanay gumamit ng payong." Ngumiti siya habang binibigay niya 'yung payong. Pakshet! Tingnan ko muna panty ko kung nan'jan pa.

Nakakahiya na talaga. Shat, shat, shat, shat, shaaat!

Ewan ko ba 'to kay Alex. Simula nang nagkatabi kami ng upuan, bigla nalang siyang nakikipagclose sa'kin. Hindi naman ako 'yung most popular girl sa school. Hindi naman ako masyadong napapansin pero, bakit si Alex na nanalo palang ng Mr. MQMHS, Mr. Quezon, Mr. Teen National ay napapansin ako. Teka, 'eto na yata ang gayumang sinasabi ko kanina. Alex, kung ikaw lang sana si Prince. Ay, mapapaOo na talaga ako kahit anong iutos mo sa'kin. Peshta! Anlandi ko. Peklat!

"Salamat ah." Ew, Zarakubak. Anlandi mo talaga. Bitiwan mo 'yan. "San ka ba galing? Ngayon ka lang ba?"
"Oo eh. Galing ako sa bahay. Mamaya siguro, punta kami Santa Mesa. Bibisitahin ko si Enrique, pinsan ko. Parang magpapaturo daw ng gitara."

Andaming kuwento, hindi naman ako nagtanong.

"Ah, talaga?" Aalis pala siya kaagad. Badtrip naman. "Ayus 'yun. Greet mo nalang ako sa pinsan mo. Siya nga pala, tara na. Baka humaba pa ang pila." Wala akong maisip sabihin, tsaka, hahaba na din talaga ang pila.

***

Alex's POV

Magkasama kami ngayon ni Zara. Jeje tawag ko sa kanya kasi siya 'yung nakakapuno ng inbox ng cellphone ko. Hihi.

Siya nga pala, ako pala si Alexander James Salvador Cojuanco III. 16 years old po. Ipinanganak sa Lapu-Lapu, Cebu pero dito na po ako lumaki sa Quezon City. Bunso sa limang magkakapatid at nag-iisa nalang pong nag-aaral.

The Prince at ang Pobre (Completed)Where stories live. Discover now