Chapter 7

783 22 9
                                    

"It has been a week since the tragedy had happened in front of the Bellevue Hotel in the Philippines. We deeply give our condolences to those who have lost their loved ones, especially, to the family, friends and the supporters of the late young superstar, Prince Anderson who had just passed away the same day as the incident." quoted, The New York Times.

"The all time superstar who had embed a history as one of the youngest-richest man in the world had passed away, one week before his ultimate concert tour in Araneta Coliseum which is today. People around the world has mourned along with the families and friends of the late celebrity." Reported, Fox News.

"#RIPPrinceAnderson You are never forgotten."

"Noooo. Prince Charming. :'( Why Lord, whyyyyyyyy! #RIPPrinceAnderson"

"A Tribute to Prince Anderson" uploaded via Youtube.

"ripprinceanderson.tumblr.com"

***

"Priiiiiiince koooooo. Whyyyyyyyy! T.T #RIPPrinceAnderson" posted by Zara Hernandez, 3 seconds ago.

Naiiyak akong talaga. :'( Wala na si Prince na kinababaliwan ko ng ilang taon. Si Prince na halos buong room ko eh, punong-puno ng picture niya. Si Prince na ultimate crush kong talaga.

Lord. Bakit ngayon pa? Bumili na ako ng ticket sa concert niya. Lord, bakit hindi mo 'ko pinapayagang makita siyang talaga. Lord Bakeeeet!

Galit na galit ako ngayon. Galit na nalulungkot na galit na galit. Tsaka nalulungkot na galit.

Basta, wala kang paki-alam. Kasi patay na ang buhay ko. Si Prince. Wala na siya. Hindi ko na siya makikita pa kahit kailan. Huhuhu!

Ngayon na sana ang pinakahihintay kong araw ng buong buhay ko. Hindi ako kumain ng snack ng buong taon. Nangupit pa ako sa aming tindahan para lang mailagay ko sa alkansya ko para makabili ng ticket na 'to. Bwesit! Bakit ka pa kasi namatay, Prince, ha?!

Lord, sana namatay na din lang ako para magkasama kami ni Prince. Ang damot Niyo naman Lord. Ngayon na nga lang ako nag-effort magsacrifice para sa isang bagay, eh, babawiin Niyo lang naman pala siya.

Lord. Bakit ba? Ano ba ang problema Niyo sa kanya? Ano ba ang problema Niyo sa'kin? Lord. Pag 'di ako nakapagpigil. Huhuhu!

Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko. Nahihirapan ako sa nangyayari. Wala na talaga siya, eh. Wala na. Tapos na.

Ang biggest fan ni Prince Anderson, Zara Hernandez. Nakatira sa Cubao, Quezon City. Actually, malapit lang talaga ang Araneta sa amin. Siguro, isang trip lang galing sa amin papunta sa Araneta.

Kaya nga excited na excited na ako kasi ang lapit lang. Pero kahit ang lapit lang, eh, malayo pa din naman ang upuan ko sa front. Wala pa ring silbi. Hindi ko parin makikita si Prince ng malapitan.

Alam mo ba, sabi nila, kami daw na mga fangirls, ang weweird daw namin. Grabe daw kami ma-obsess sa artista. Ang landi daw namin kasi kagwapuhan lang ng artist ang habol namin. Hindi kami marunong tumingin sa art ng music kundi sa art lang ng mukha.

Pwes, haters gonna hate. Ihahashtag ko pa 'yan sa mukha mo. Nagkakamali po kayo. Hindi po obsession ang tawag 'jan. Devoted po kami. Loyal po kami sa idol namin. Sa idol ko.

Si Prince Anderson lang naman kasi ang idol ko. Pati siguro ng ate ko, si ate Sam. Kami na siguro ang pinakadevoted na mga fans ni Prince dito sa Quezon City.

Alam mo ba nung finollow ako ni Prince sa twitter. Grabe, kinilig talaga ako ng todo-todo. Akala ni ate nagka-epilepsy na daw ako. Pero nang nalaman ni ate na finollow ako ni Prince sa twitter, sabay na kami nag Epilepsy dance craze. Nakakamiss ang mga araw na 'yun.

The Prince at ang Pobre (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora