Chapter 12

538 16 5
                                    

Alexander’s POV

 

Hala! Anung oras na ba? Teka, mag-aalas dos na ng hapon. Ang traffic pa naman.

Kanina pa, mga kinse minutos lang nakakaraan, bitbit ko 'tong gitara ko. Patugtog-tugtog lang nga ako dito sa mainit at masikip na jeep. Pinatayo ko lang ang gitara tsaka paplucking ng kaunti.

Magkakalahating-oras na mula ng sumakay ako, nandito pa rin ako. Nakakainis nga ang traffic.

Ano na kaya ang nangyari kay Zara? Sana okay lang siya. Napamahal na din sakin 'yun.

*kamot sa ulo*

Hay! Buhay. Ang init-init dito. Kanina pa siguro naghihintay si Enrique. Kawawa naman 'yun. Nagtext naman siya na nandun daw siya sa SM. Siguro, nalilibang naman 'yun siya.

Teka, text ko nga kung nasan na.

"Riki...nsa bhay kna ba nnu? Ppunta nko sa nyu...txt mko kng nsa bhay kna..."

***

Jill's POV

Nakakatamad naman ngayong araw. Pagkatapos ko lang ipaghain ng almusal ang dalawang mokong na 'yun, tinakasan ba naman ako. Hindi nagpaalam. Hindi maganda, hindi. Tsk, tsk. Lagot sa'kin 'tong dalawang mga asungot na 'to.

Nandito lang po ako sa kwarto. Naglilinis habang nakikinig sa paboritong kong artist...

"E~oh too much neoya your love igeon overdose...

Too much neoya your love igeon overdose..."

EXO We are One. EXO Fighting!

Aaaaah! Chanyeol! Hart hart! B2B Saranghae!

Left! Right! Ceiling hanggang sa sahig! Wallpaper ko na ang mga poster ng EXO, especially kay Chanyeol!

Eto, ipapakita ko, picture na inedit ni Xander, pinsan ko. Magkatabi kami dito ni baby Chanyeol ko!

Yehet! Ohorat! Ungya-ungya! Bwing bwing! Hart!

Hihi! Kakakilig no? Makalaglag panty talaga si baby Chanyeol ko! Aaah!

"Your love IGEON OVERDOOOSE!"

Nakakaganang maglinis ng bahay. Soundtrip, eh.

Kembot here! Kembot there! Igeon overdose!

Paspas the dust! Trapo sa floor! Igeon overdose!

Chanyeol baby overdose! E~oh! Too much!

Curse me! Someone call the...

"Tao pooo!"

'Nu ba naman, distorbo sa date ko with my future husband, Chanyeol bebeh. -_-

"Anjan na, teka lang po." Eto na, titingnan na. "Ay kabayo! Nahulog phone ko." Kung mamalasin ba naman.

***

"Tao po?" kararating ko lang. Grabe, alas 3 na ng hapon. Isa't kalahating oras ang byahe ko galing Cubao pa Santa Mesa. Bwesit, ang traffic. May gitara pa naman akong dala. -_-

Teka, parang may tao yata palabas.

Si Jill, parang ang busy, ah.

***

"Uy Xandeeer! Tara, pasok ka." nandito pala pinsan ko, si Xander. "Hala, guitar. Pahiram naman. Tsaka turuan mo din ako." Gustong-gusto ko talagang mag-aral tumugtog ng gitara.

"Tara! Halika sa loob!" Binuksan ko na 'yung gate tsaka pinapasok ko na. Kawawa naman si Xander, parang pagod sa biyahe.

"Huy, san ka ba galing? Buti nalang nakapaglinis ako."

The Prince at ang Pobre (Completed)Where stories live. Discover now