Chapter One

15.5K 192 2
                                    

January 23...

"THIS IS... wow!" amazed na amazed na wika ni Elay. She was really astonished looking to almost thousands of padlocks attached onto the Paris' bridge grates.

Iyon ang ikatlo at huling araw na pagbabakasyon niya sa Paris. Bukas kasi ay uuwi na siya pabalik ng Pilipinas. Birthday gift niya iyon sa kanyang sarili. Dapat ay kasama niyang magbabakasyon roon ang kasintahan niyang si Drake ang kaso ay hindi ito nakasama dahil inaasikaso nito ang mga papeles para sa pagma-migrate nito sa Amerika.

Hindi naman siya masyadong nahirapan habang naroon siya sa Paris dahil kasama niya ang pinsang buo niya na si Madel na doon na naninirahan pagkatapos nitong makapangasawa ng isang Pranses dalawang taon na ang nakalilipas. Doon ito nagtrabaho bilang nurse pagkatapos nitong makatapos ng kolehiyo sa Pilipinas. Si Madel ang naging dakilang tour guide niya.

"This is the well known Pont des Arts. Below is the Seine River and there is the Notre Dame," anito sabay turo sa kung saan.

Sinundan niya ang itinuro ni Madel at lalo siyang namangha sa kanyang paligid. Noon ay sa pelikula at internet lang niya nakikita ang lahat ng nasa harapan niya sa mga oras na iyon. Matatapos na ang bakasyon niya pero hindi pa rin siya lubos na makapaniwala sa lahat ng kanyang mga nakikita. Pakiramdam niya ay kulang ang tatlong araw na bakasyon niyang iyon. Being there in Paris was really a dream come true.

"This is what the people called the 'love lock' bridge, right?" hindi pa rin makapaniwalang tanong niya sa pinsan.

"Yup," nakangiting kompirma ni Madel.

Muli ay tiningnan niya ang mga padlock na nakasabit sa bakal na harang sa tulay na iyon. She once read about the story how it begun to be called "love lock bridge." According to what she had read, a couple wrote their names on the padlock and locks it onto one of the bridges. Then they throw the key into the Seine River as a symbol of their undying love. The rest is history.

"Kayo ni Bernard, nagawa n'yo na rin bang magsabit ng padlock dito?" usisa niya. Ang tinutukoy niyang "Bernard" ay ang asawa ng pinsan niyang si Madel.

Umiling-iling ito. "Nope. Ayaw niya. Makakadagdag lang daw kami sa polusyon sa Seine River. Sa dami ba naman kasi ng susi na tinatapon sa ilog."

Lumabi siya. "Ang baduy n'yo. Kung kasama ko lang si Drake, pipilitin ko talaga siyang maglagay din ng padlock dito." Bigla niya tuloy naisip ang kasintahan. Na-miss niya tuloy ito.

"Madel?"

Sabay silang napalingon sa pinagmulan ng boses. Isa iyong babae na nakasalamin. Tulad nila ay nakasuot ito ng coat na kulay-abo at scarf na nakaikot sa leeg. Naka-boots na hanggang tuhod at may makapal na gloves sa mga kamay. Panahon ng tagsibol doon sa Paris kaya sobrang lamig ng panahon at makapal ang niyebe sa buong paligid.

Nang makita iyon ng pinsan niya ay nanlaki ang mga mata nito pagkatapos ay nagyakapan ang dalawa.

"Oh, by the way, this is my cousin, Elay. Elay, meet one of my closest friends' way back in high school, Candy," pagpapakilala ng pinsan niya.

Nagkamay silang dalawa ni Candy pagkatapos no'n ay nag-excuse muna siya sa dalawa. Bakas sa mukha ng mga ito ang pagkasabik na makita ang isa't isa.

Naglakad-lakad siya. She couldn't help but smile while staring to those love locks. Some locks are just plain luggage locks; some are shaped like hearts, stars. Some are even decorated by glitters. It came along with different sizes as well. Locks writing in French, Japanese, English, Chinese, Spanish— which only implied that there were lots of people all over the world promised their undying love on that bridge.

Party of Destiny Hosted by Lolo Kupido Book 9: Enchanted (Unedited/Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon