Chapter Seven

5K 109 1
                                    

"MA'AM may napili ka na po ba?" tanong ng sales lady kay Elay. Nasa isang jewelry shop siya sa loob ng isang mall ng mga oras na iyon.

"Ahm, Ate, wala pa ng akong napipili. Sorry, ha." nahihiyang sabi niya. Hindi kasi siya makapagdesisyon kung anong disenyo ng charm bracelet ang bibilhin niya. Limang minuto na yata siyang naroon.

"The one with locket is more beautiful."

Lumingon si Elay sa tagiliran niya at isang babaeng sa tingin niya ay nasa edad singkuwente pataas ang nakita niyang nakangiti sa kanya. Mestiza ito at nakapusod ang kulay-brown na buhok. The old lady still looked beautiful and sophisticated despite of her age.

Nginitian niya ang ginang. Ang tinutukoy nito na charm bracelet ay gawa sa kulay-ginto na chain. May maliliit na hugis-pusong Swarovski charms at beads na nakapalawit doon at isang malaking hugis-puso na locket. Iyon din talaga ang first choice niya. "Thank you po." aniya sa ginang. Humarap siya sa sales lady para ibigay na ang bayad niya doon. Isinuot niya kaagad ang love charm bracelet na binili niya.

"You must be in love." nakangiti pa ring wika ng matandang babae.

Nahihiyang ngumiti si Elay. "Hindi po. Wala nga po akong love life." natatawang sabi niya.

"You must be kidding. You're beautiful. I can't believe that you're still single." tila hindi naniniwalang sabi nito.

Pilit siyang ngumiti. "My boyfriend and I broke up almost a month ago."

Nakita niya ang simpatya sa mukha ng ginang. "He must be crazy." anito pagkuwan. Natawa siya. Ilang minuto pa lang sila nag-uusap ng ginang pero parang close na sila. "I'm Clarissa." pakilala ng ginang.

"Ako naman po si Elay." pakilala naman niya.

"You know what, I like you. Mukha kang mabait. Huwag mo nang isipin ang dati mong nobyo. I guarantee you, he will regret the day that he lets you go." pagpapagaang-loob na sabi nito sa kanya.

Nahihiyang ngumiti siya dito. "Sana nga po." sabi niya sabay tawa. "May bibilhin ka ho ba?"

"Oh, yes. I know it's too much for me to ask, but can you please help me?" tanong nito.

"Sige po."

"Today is my son's birthday. Actually he didn't know that I'm here. I want to surprise him and also, I want to know what gift I can give him. Can you help me, hija?"

"Ay, sige po. Wala pong problema." sinserong wika niya dito.

"Saka isa pa, hindi ko kabisado itong mall na ito. Ngayon lang kasi uli ako nakauwi dito sa Pilipinas. I'm an old lady; I hope you will have patience on me." natatawang sabi nito. "Hindi ko kasi alam kung alahas ba o ano ang ibibigay ko sa kanya. Honestly, I really have no idea."

"Mahilig po siya sa alahas?" tanong niya kay Clarissa.

"Not that I think of. Napadaan lang ako dito dahil may gusto akong tingnan." tumawa ito. "He loves to cook, that's what I know. He's a chef. Ang totoo hindi naman niya kailangan ng mamahaling bagay. He's grown up and he can buy anything that he wants." paliwanag pa nito.

Saglit na nag-isip siya. Hindi niya alam kung bakit biglang pumasok sa utak niya ang imahe ni Ross. She remembered him wearing his chef's uniform. Mag-iisang buwan na halos ang nakalipas ng huli silang magkita. Hindi na rin siya kumakain sa Envie Tous Vous Gusto simula noon.

Party of Destiny Hosted by Lolo Kupido Book 9: Enchanted (Unedited/Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon