Chapter Four

5.1K 108 0
                                    

"SABI KO na nga ba. As in sabi ko na nga ba. Nakakagigil!" nanggigigil na wika ni Pixie. Paroo't parito ito sa kuwarto ni Elay. Daig pa ang sasabak sa boxing ring.

Si Pixie ang tinawagan niya para sumundo sa kanya kanina sa restaurant. Ayaw niya pang umuwi dahil malamang ay tatanungin siya ng mama at papa niya kung bakit hindi siya hinatid ni Drake. At higit sa lahat wala din siyang balak na magpakita na ganoon ang hitsura niya. Naroon ngayon siya sa bachelor's pad ng una.

"Hindi ko alam, Pix. Saan ba ako nagkulang? Ginawa ko naman lahat para mahalin niya ako. I never thought na magagawa niyang lokohin ako." aniya sa pagitan ng paghikbi.

Umupo si Pixie sa gilid ng kama saka siya inabutan muli ng tissue na kinuha din niya.

Huminto ito at namaywang. "Ibinigay mo ba ang lahat?" Tumango-tango siya. "Nag-sex na kayo?"

"What?! Of course not! Nag-usap kami noon. Gagawin lang namin 'yon kapag kasal na kami." paliwanag niya.

"That's it. That's why he cheated on you." Pixie said. Para bang siguradong-sigurado ito.

Napahinto siya sa pag-iyak saka maang na napatingin kay Pixie. "What do you mean?"

"Kaya ka pinagpalit ng makati mong boyfriend was because you two never had sex. Isama mo pang nag-back out ka sa kasal ninyo."

Natahimik siya ng ilang saglit. "Sa tingin mo?" pagkatapos ay mangiyak-ngiyak na naman sabi niya.

"Yeah," ani Pixie saka tumango-tango.

"S-sabi niya... o-okay lang sa kanya na huwag muna namin gawin 'yon. Saka nag-sorry din naman ako sa kanya sa pag-back out ko sa kasal namin. Pumayag din siya sa hiniling ko sa kanya."

"You're wrong. Ang mga lalaki, sinasabi lang nila na okay lang sa kanila kahit ang totoo ay hindi." anito.

Lumabi siya habang sumisinghot. "Ako ang may kasalanan kaya sigur—"

"Hep, hep, hep. Wala akong sinabing ganyan." pigil ni Pixie sa sasabihin niya.

"Hindi naman niya gagawin 'yon kung tumuloy ako sa kasal namin." sumisinghot na wika niya.

"Tigilan mo nga 'yan, Elay. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Kung mahal ka talaga ni Drake, hindi siya mambabae at hindi ka niya lolokohin. Imagine, almost four years, tinapon lang niya ng gano'n- gano'n? Makati lang kamo talaga siya! Naku, huwag mong ipapakita sa akin 'yong lalaking 'yon, baka masapak ko siya talaga." nanggagalaiti pang sabi nito pero kumalma din ito saka hinawakan nito ang isang kamay niya at pinisil iyon. "Alam kong nasasaktan ka at lalong hindi ka okay. Alam ko rin na wala naman akong masasabing comforting words dahil hindi ako magaling do'n pero available ang balikat ko. Puwede mong iyakan."

Tiningnan niya ang kaibigan. Ibinuka nito ang mga kamay para i-welcome siyang yakapin ito at ganoon nga ang ginawa niya. Niyakap niya si Pixie saka humagulgol sa balikat nito.

"Shh..." ani Pixie habang hinahagod ang likod niya.

She really felt hurt, as in big time and she doesn't know how she can bear it. Pakiramdam niya ay daig niya pa ang sinaksak ng sampung beses. Mas okay na nga sana siguro na sinaksak na lang siya ni Drake para pagkatapos no'n ay mamatay na lang at wala na siyang maramdamang sakit.

"NASAAN na ang pasalubong ko?" tanong ni Fester.

"Hanapin mo na lang do'n sa bag." aniya sabay turo sa kulay-itim na travelling bag na nasa gilid ng kanyang leather sofa. Isinama niya si Fester sa apartment na kanyang tinutuluyan para ibigay dito ang pasalubong niya. Limang araw na mula nang makabalik siya sa Pilipinas pero hindi pa rin niya naayos ang mga uwing bagahe. Sinumpong kasi siya ng katamaran.

Party of Destiny Hosted by Lolo Kupido Book 9: Enchanted (Unedited/Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon