Chapter Twelve

5.3K 100 1
                                    

BUSY SA paglilinis ng unit ni Ross si Elay. Pagkaraan ng anim na buwan ay napagpasiyahan na nilang magpakasal. Napagpasiyahan nila ni Ross na ibenta na ang unit nito doon sa Pilipinas at sa bahay na nito sa Tagaytay sila titira. Naguumpisa na rin kasing itayo roon ang isang branch ng Envie Tous Vous Gusto kung saan si Ross na ang mamamahala habang si Fester naman ang mamamahala sa branch sa doon sa Manila.

Mula sa likod ni Elay ay niyakap siya ni Ross saka masuyo siyang hinalikan sa kanyang leeg.

"Babe..." natatawang pigil ni Elay sa asawa pero hindi man lang ito natinag. Ross still kissed her and he didn't even bother to stop. Pinihit pa siya ni Ross paharap dito. "I know what you're doing," aniya na pinanlakihan ito ng mga mata.

"Don't you like it?" he teased.

Natawa si Elay ng malakas pero wala din naman siyang nagawa nang muli siyang hagkan nito sa labi. This time, she answered his kisses with equal passion and desire.

Ross's lips moved down to her neck and she just moaned in pleasure. Making love with her husband was really the most beautiful feeling that she experienced. Doon kasi nila lalong naipaparamdam kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Ipinasok ni Ross ang isang kamay nito sa loob ng suot niyang t-shirt. Ramdam na ramdam niya ang init ng mga palad nito sa balat niya lalo na nang dumapo iyon sa isang umbok ng kanyang dibdib. Isinandal siya ni Ross sa isang malaking istante na nasa likuran niya habang nagawa naman niyang alisin ang pang-itaas na damit nito.

God, she really loved this man. She lifted her hands to give her husband the access to remove her shirt. She could see the burning desire on his beautiful turquoise green pair of eyes.

"You really are so beautiful, babe." he said huskily then he kissed her again torridly when she heard the doorbell rang.

Humiwalay si Elay sa mga labi ni Ross. "Babe, nandiyan na yata 'yong pina-deliver natin sa restaurant mo," aniya rito. Bumuga ito sa hangin saka sumimangot bagay na ikinatawa niya.

Kinuha nito ang mga t-shirt nila sa lapag. Sinuot niya iyon at gano'n din si Ross. Pero bago ito tuluyang iwanan siya ay binigyan muna siya uli nito ng isang maalab na halik pagkatapos ay kinindatan siya bago tuluyang naglakad patungo sa pinto.

"Perturbation." narinig niyang sabi nito sa wikang Pranses habang naglalakad. Hindi niya maiwasang mapangiti at mapailing at the same time. Minsan kapag naiinis si Ross ay hindi nito maiwasan na magsalita sa isang lengguwaheng alam nito.

Nakagat niya ang ibabang labi nang maalala niya ang mga halik ni Ross. Her husband was an expert in making her crazy with just his kisses. Naalala niya tuloy ang sabi nito isang beses sa kanya: "French are the best kissers that's why they invented the word 'French Kiss.'

Itinuloy ni Elay ang pagliligpit ng mga gamit. Binuksan niya ang isa sa mga cabinet na nasa ibabang bahagi ng estante ng may makita siyang kulay-pulang leather pouch. Out of curiosity, tinanggal niya ang pagkaka-ribbon no'n at binuksan niya iyon. She was surprised when she saw what's inside of it: her long lost love charm bracelet!

"Babe?" untag sa kanya ni Ross. Hindi niya namalayan na nakabalik na pala ang asawa niya.

"S-saan mo nakuha ito?" nagtatakang tanong niya.

"Napulot ko 'yan malapit sa Paris Bridge noong araw na unang nagkita tayo doon," anito. "Why?"

Hindi niya maiwasang mapangiti. Lalo tuloy naging malakas ang paniniwala niya sa destiny. Nawala iyon sa kanya noon pero napunta pala iyon sa lalaking hindi niya inaasahang mamahalin niya at makakasama niya habangbuhay.

"This is mine. I lost this that same day."

Nakita niyang ngumiti ito pagkatapos ay niyakap siya nito. "You didn't lose it, babe, it only goes to someone who deserves your love."

"I have something to tell you." aniya.

"What is it?"

"Hindi totoong... hindi totoo na hindi ko maalala 'yong nangyari sa Party of Destiny nang gabing 'yon katulad ng sinabi ko sa 'yo," aniya saka kinagat ang ibabang labi.

"Why did you lie to me?"s

"Natatakot kasi akong mapahiya. That night, I was like being enchanted to you. I really can't explain the feelings then."

Pinisil nito ng mahina ang ilong niya. "Silly. Don't you know that I was the one who got enchanted on you? It was when I saw you first in Paris." Ross said while smiling.

Yumakap siya rito saka ngumiti. "Hindi pa ako nagpapasalamat kay Pixie. Kung hindi niya ako pinilit magpunta noon doon, hindi kita makikita."

"I should thank Fester as well."

"Hmm, ano na kaya ang nangyari sa kanilang dalawa, 'no?" bigla ay natanong niya.

Nagkibit-balikat si Fester. "What I only know is, Fester is now chasing your best friend," anito saka tumawa.

"Magkakatuluyan kaya sila?"

"I bet."

Napangiti siya. "Destiny will surely come their way."

Party of Destiny Hosted by Lolo Kupido Book 9: Enchanted (Unedited/Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon