Epilogue

7.3K 178 10
                                    

HINDI alintana ni Ross na nakasuot siya ng sunglasses kahit pa pumapatak ang maliliit na butil ng mga snow. He didn't have enough sleep. He was partying all night with his friends. Pagkatapos ng halos magtatatlong taon ay noon siya muling bumalik sa Paris kung saan siya pinanganak at lumaki pero umalis siya roon dahil gusto niyang makalimot sa pagkamatay ng dati niyang kasintahan na si Selena.

Napahinto siya sa dulo ng Pont Des Arts o mas kilala sa tawag na Paris Bridge. Tuwing dumadaan siya sa lugar na iyon ay nagiging nostalgic siya. Sa ilalim niyon ay ang Seine River kung saan natagpuang lumulutang ang bangkay ng dati niyang kasintahan. Galit siya sa lugar na iyon however he didn't have any choice but to pass there. Iyon lamang ang daan patungo sa apartment kung saan siya nakatira habang naroon siya sa bansa.

Pont des Arts is one of the famous bridges and tourist spots there in Paris. "Love lock bridge" din ang isa pang tawag roon dahil sa dami ng mga nakasabit na padlock sa grates kung saan nakasulat ang sumpaan ng mga nagmamahalan sa lugar na iyon.

Nag-umpisa na siyang humakbang nang may mapansin siyang isang babae na nakatayo sa tulay. Hindi niya maiwasang hindi pansinin iyon dahil sa suot nitong kulay-pulang beani na may disenyong kulay-pink na mga puso. Isa lang ang kilala niyang may-ari ng ganoong beani...

"Selena..."

Naglakad siya patungo sa dalaga. As if he was enchanted by her. When he was only a few inches away, he just then realized that it wasn't Selena.

Why the hell did he think that it was her? She's been dead for almost three years! Dammit! mura niya sa sarili.

Nakita niyang nakangiti ang babae habang pinagmamasdan ang mga padlock na nakasabit sa bakal na harang ng tulay.

"I really don't know why a lot of people believe in this lock-love-bridge thing. Don't they know that they're just destroying this bridge and they're just polluting the river?" naiinis na komento niya habang nakatingin sa kahabaan ng Seine River. Maya-maya ay nilingon niya ang babae. Nakita niya ang biglang pag-iwas nito ng tingin pero hindi nakatakas sa kanya na makita ang pagkagat nito ng ibabang labi at lalo na ang pamumula ng mga pisngi nito. Out of nowhere, he didn't know why he found her... cute. Nahiya na marahil ito dahil bahagyang tumalikod ito sa gawi niya.

Naglakad na siya palayo dito pero halata pa rin ang pagtatago nito ng mukha.

Namulsa siya. Napailing siya, hindi dahil sa inakto nito kundi sa kalokohang pumasok sa utak niya. He found her cute? Damn, what the hell he was thinking?!

Nasa dulo na siya ng tulay ng hindi niya alam kung anong puwersa ang nagtulak sa kanya para muling lingunin ang dalaga. Nakita niyang may kausap itong babae. He cocked his head to onse side. What the hell he was doing?

Pinagpatuloy niya ang paglalakad. Alam niyang kalokohan ang pumapasok sa utak niya pero hindi niya maiwasang itanong sa sarili niya, "Will I be seeing her again?"

Dammit, he must be really gone nuts!

Hangover, it's just a hangover, he convinced himself.

-----WAKAS-----


Thank you for reading. Have a blessed New Year! =)

🎉 Tapos mo nang basahin ang Party of Destiny Hosted by Lolo Kupido Book 9: Enchanted (Unedited/Published) 🎉
Party of Destiny Hosted by Lolo Kupido Book 9: Enchanted (Unedited/Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon