Chapter Two

5.8K 104 0
                                    

"Hoy!"

Muntik nang maihagis ni Elay ang mouse ng computer dahil sa sobrang gulat niya. Nang lingunin niya kung sino ang pasaway na nanggulat sa kanya ay natagpuan niya Pixie—her best friend since grade school. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ito pagkatapos ay sabay silang nagtititili na tila nakakita ng mga artista sabay nagyakapan. Ni hindi man lang niya naramdaman na nakapasok na ito sa kanyang kuwarto.

"Kailan ka pa dumating?" tanong ni Elay kay Pixie pagkatapos ng mahigpit na yakapan nila.

"Excuse me? Ako yata ang dapat magtanong sa 'yo niyan, kailan ka pa dumating galing Paris?" nakataas na kilay na tanong nito.

Ngumisi siya. "Three days ago." sagot niya.

"Nasaan ang pasalubong ko?" anito at inilahad pa ang mga kamay.

"Wait, relax ka lang." Natatawang tumayo siya sa may swivel chair sa harapan ng computer table niya saka kinuha ang pasalubong para kay Pixie mula sa kanyang cabinet. Tuwang-tuwa ang best friend niya nang iabot niya iyon. "Ikaw, saan ka naman naggagagala at hindi ka mahagilap? Pagbalik ko dito sa Pilipinas tinawagan kaagad kita pero laging out of reach ang cell phone mo." sabi niya kay Pixie.

Iwinisik muna nito ang pabangong padala niya sa palapulsuhan saka inamoy iyon. Nakaupo ito sa kama niya habang siya naman ay bumalik sa swivel chair. "Ang bango! Love it! Oh, well, haven't I told you? I'm organizing an event. A huge event, my dear. Sobrang bongga at nakaka-excite." kinikilig pang wika nito.

Pixie was an events coordinator while she's an account analyst. Halos magkalapit-bahay lang sila pero ni hindi na sila nagkikita simula nang maging busy sila sa kani-kanilang trabaho. Kapag may pagkakataon naman ay talagang sinusulit nila ang pagba-bonding.

"Hindi nga masaydong halata 'yang excitement mo sa mukha mo. Para kang nananaginip ng gising, oh." aniya sabay tawa.

Hinagisan siya nito ng unan na kaagad naman niyang naiwasan. Bumagsak iyon sa carpeted floor.

"Sino ba naman ang hindi mai-excite? The event is called 'Party of Destiny'." anito na tila nagdi-daydream.

"Party of Destiny? Ano 'yon, party ng mga tao na naniniwala sa destiny, gano'n?" natatawang tanong niya kay Pixie.

Tumango-tango ang bestfriend niya. "Exactly!"

"Mukhang kakaiba nga 'yan. Well, good luck." aniya.

"Kamusta naman pala ang bakasyon ninyo ni Drake sa City of Love?" usisa nito.

Ibinalik niya ang tingin sa harap ng monitor ng computer saka sumagot. "Hindi ko siya nakasama sa Paris." simpleng sagot niya.

"What?! Akala ko ba magbabakasyon kayong dalawa doon?" Hinawakan nito ang sandalan ng swivel chair niya saka pinihit siya muli paharap dito. "Dahil pa rin ba sa issue 'yan ng pag-urong mo sa kasal ninyo?"

Umiling-iling siya. Still trying to remove the thought that it was really the reason why Drake did not come with her in Paris. Pinilit niyang tumawa. "Of course not. Nag-usap na kami. Hindi ba nasabi ko na sa 'yo 'yon? Busy nga lang siya sa pag-aasikaso ng papeles niya papunta sa States kaya hindi siya nakasama." paliwanag niya. Hindi nagsalita si Pixie. Mataman lamang itong nakatingin sa kanya. "'Oy, ha. Ayoko ng ganyang mga tingin." Kilala niya ito. Sa paraan ng pagtingin ng best friend niya ay alam niyang hindi ito kumbinsido sa sinabi niya.

"Nagkita na ba kayo pag-uwi mo dito?" bigla ay tanong nito.

Umiling-iling siya. "Hindi pa. Pero nakakausap ko siya sa cell phone."

Party of Destiny Hosted by Lolo Kupido Book 9: Enchanted (Unedited/Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon