Chapter Eleven

5.2K 95 0
                                    

Seven months later...

UMIHIP ang malamig sa simoy ng hangin kasabay niyon ay dinig rin ni Elay ang pagpagaspas ng mga sanga ng puno sa buong paligid. Tila sumasayaw ang mga iyon at ang ihip ng hangin ang nagsisilbi nitong musika.

She was standing on the park going to Paris Bridge. Hinayaan muna siyang mamasyal magisa ni Madel gaya ng pakiusap niya.

Gaya ng pangako niya sa sarili ay bumalik siya roon ang kaso nga lang hindi natupad ang pangarap niya na babalik siya doon kasama ang taong mahal niya.

It was Autumn Season already. The leaves start turning into golds and reds. Sabi ng pinsan niyang si Madel ay sakto lang ang pagpunta niya roon dahil iyon ang isa sa pinakamagandang season sa Paris at hindi naman ito nagkamali.

She walked going to the Paris Bridge. She just stood there and looked to those love padlocks that were attached on the bridge grates. The wind blew again. Elay hugged herself. She felt so alone.

Unti-unti na lang niyang naramdaman ang pagpatak ng kanyang mga luha. She never thought that she will feel so empty inside. She closed her eyes and she let her tears to run down. Gusto niyang mailabas ang kanyang nararamdaman sa pamamagitan ng pagluha. She then realized that what she was feeling right now was overly familiar.

Deja vu...

Halos tatlong buwan na ang matuling lumipas nang huli silang nagkita ni Ross at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang sakit na dulot ng nangyari sa kanilang dalawa.

Nang dalawin siya ni Fester isang araw bago siya lumabas ng ospital, ayon dito ay umalis na ng Pilipinas ang pinsan nito at ito muna ang namamahala sa restaurant.

"Ahm, Elay, pinapasabi din niya pala sa 'yo na pasensiya na daw kung hindi na siya nakapagpaalam. Saka, ahm... p-pinapasabi din niya na... s-sorry daw sa lahat." dagdag pang sabi nito.

Ang totoo ay hindi siya kakumbinsido na pinasabi nga iyon ni Ross. Baka nahihiya lang si Fester sa kanya kaya pinagtakpan nito ang pinsan.

"It's nice seeing you again, young lady."

Mabilis na pinahid ni Elay ang mga luha sa mga mata. Bigla siyang nahiya. May tao na pala sa tabi niya nang hindi niya napapansin. Inayos niya ang sarili bago nilingon ang katabi. Isang matandang lalaki iyon. Pamilyar ang hitsura nito pero hindi niya maalala kung saan niya ito nakita. Pilit niyang inalala ang mukha nito.

"Don't worry, hija. Okay lang kung hindi mo ako maalala. I'm just glad seeing you for the third time around." nakangiting sabi nito.

Napakamot siya ng batok. "Sorry po talaga," nahihiyang sabi niya. "Ahm, kailan po ba tayo nagkita? Kung tatlong beses na po, nakakahiya talaga na hindi po kita maalala."

"Puwede bang maupo muna tayo..."

"Elay po." pagpapakilala niya.

"Elay, medyo inaaatake ako ng rayuma. Alam kong mukha pa rin akong matikas pero ang totoo ay may tinatago na akong tinatawag nila na 'sign of aging.'" natatawang sabi pa nito. Umupo sila sa isa sa mga upuang kahoy na nasa gitna ng tulay. "Una tayong nagkita dito rin noong halos magkakatapusan ng unang buwan ng taon. Panahon ng tagsibol niyon. Pareho tayong nainggit dahil sa magkapareha na nagkabit ng mga padlock nila sa harang ng tulay na ito."

Naaalala niya na ang tinutukoy nito. "Naalala ko na po, ikaw po pala 'yon. Ahm, kailan po 'yong pangalawang beses?"

"Mystic Landia." simpleng sagot nito.

Party of Destiny Hosted by Lolo Kupido Book 9: Enchanted (Unedited/Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon