Chapter Three

5K 109 0
                                    

MASAYANG pinagmasdan ni Elay ang sariling repleksiyon sa full length mirror na nasa kuwarto niya. Ngumiti siya nang makontento na siya sa kanyang ayos.

She's wearing a navy-blue dress na hindi umabot hanggang tuhod. Backless din iyon dahilan para ma-expose ng bahagya ang kanyang balat. Inilugay din niya ang kulot niyang buhok na hanggang balikat. Kulay-silver na may mga bato naman ang disenyo ng suot niyang sandals.

Sabado noon kaya wala siyang pasok. Inaya niya si Drake na kumain sa bagong tuklas na restaurant ni Pixie. Ang Envie Tous Vous Gusto. Ayon sa best friend niya ay Filipino at French cuisine ang specialty ng naturang restaurant.

"I guarantee you, Elay, magugustuhan mo ang lugar na iyon. The place is very romantic and cozy. Nakaka-in love kumain lalo na kung may ka-date ka." kinikilig na sabi ni Pixie habang kausap niya ito sa cell phone. Tinawagan siya nito para ipaalam dito ang bagong tuklas na restaurant nito. Ganoon kasi silang magkaibigan. Kapag may bago silang nalalaman o natutuklasan na pagkain, restaurant o kung anuman ay tinatawagan nila ang isa't isa para ipaalam iyon. Kahit pa hindi sila nagkikita.

"I'll surely go there. Saan ba 'yong lugar?" tanong niya.

Sinabi ni Pixie ang eksaktong lugar habang sinulat naman iyon ni Elay. "Got it."

"Sobrang sarap ng pagkain. Isama mo pa 'yong Chef." dagdag pa nito at saka humagikgik.

"Lukaret ka talaga. If I know kaya mo binabalikbalikan 'yong restaurant na 'yon ay dahil sa Chef nila." natatawang sagot niya.

"Tumpak. I think he's my destiny." Nai-imagine na ni Elay na nagdi-daydream ang best friend niya sa tono pa lang ng pananalita nito.

"Mukhang naloloko ka na sa destiny na 'yan. 'Yan ba ang epekto ng event na ino-organize mo?"

"Sort of." anito saka humagikgik. "Basta, kapag nakita mo si Fester, sabihin mo na lang kinakamusta ko siya."

Kumunot ang noo niya. "Fester? Sino naman siya?"

"'Yong guwapo ngang Chef."

Iyon ang naaalala niyang pag-uusap nila ni Pixie noong isang gabi nang tawagan siya nito.

Maya-maya ay narinig niyang may kumatok sa pinto ng kanyang kuwarto pagkatapos ay bumukas iyon. Iniluwa niyon ang Papa niya na si Aurelio. Lumapit ito sa kanya saka hinawakan nito ang isang kamay niya at pinaikot siya na tila ba isinasayaw siya nito.

"Ang ganda naman ng prinsesa ko." nakangiting wika ni Aurelio habang nakatingin ito sa kanya.

Lumabi siya. "Papa, binobola mo na naman ako, eh."

Tumawa si Aurelio. "Kailan pa ako nambola pagdating sa 'yo?"

"Papa talaga."

Inakbayan siya ng ama. "You will always be my princess, kahit anong mangyari, ikaw lang ang pinakamaganda sa akin."

"Siyempre, Pa, ako lang naman ang nagiisang anak mong babae kaya wala kang choice." sagot niya. Dalawa lang silang magkapatid. Siya ang bunso. Ang Kuya Zion niya ay nag-asawa na at matagal na ring nakabukod sa kanila.

Nangamot ng ulo si Aurelio. "Oo nga." Nagtawanan silang dalawa.

"Aba, kaya pala ang tagal nagtsismisan pa kayong dalawa dito." Pagtalikod nila ay naroon na rin ang Mama Felly niya sa entrada ng pinto.

Party of Destiny Hosted by Lolo Kupido Book 9: Enchanted (Unedited/Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon