Chapter Eight

4.9K 101 0
                                    

"PAANO, Elay, mauna na kami sa 'yo. Sure ka bang ayaw mong sumama?" tanong ni Bethina sa kanya. Isa ito sa mga kaopisina at maituturin niyang kaibigan. Biyernes nang araw na iyon at niyaya siya nito at ng iba a niyang mga kaopisina na gumimik pero tumanggi muna siya.

"Pasensiya na talaga. Next time na lang ako sasama. Saka hindi pa rin ako tapos. Magse-send pa ako ng mga reports ko." paumanhin niya habang nahihiyang nakangiti.

"Sabi mo 'yan, ha. Marami ka nang utang sa amin. Nami-miss ka na namin sa pag-gimik." wika naman ni Mishy sa kanya.

"Promise." paninigurado niya.

"O, siya. Alis na kami. Ingat ka pag-uwi."

"Bye. Ingat din kayo." nakangiting paalam niya sa mga ito.

Muling ibinalik niya ang atensiyon sa computer. Pagkalipas ng ilang saglit ay natapos na rin siya. Inayos na niya ang kanyang work station gayundin ang kanyang bag. Saktong pagtayo niya sa upuan ay tumunog ang kanyang cell phone. Kinuha niya iyon mula sa handbag. Hindi niya kilala ang caller dahil number lang ang naka-register sa phone screen.

"Hello?" kunot-noong sabi niya nang sagutin ang tawag.

"Hi," And that simple word made her heart beats fast. Kahit hindi niya tanungin kung sino ang nasa kabilang linya ay kilalang-kilala niya na kung sino iyon. No doubt. Isang tao lang naman ang may malakas na epekto sa kanya. Si Ross.

"H-hi," Pakiramdam niya mukhang umurong yata ang dila niya. She bit her lower lip.

Focus, Elay. Focus.

"Yeah, this is Ross," he said in his suave French accent voice.

I know, ngalingali niyang sabihin sana dito. "Ahm, h-hi..." alanganing wika niya. Bakit ba kahit sa telepono niya lang kausap ito ay malakas pa rin ang epekto nito sa kanya? At bakit ba tumawag ito sa kanya?

"I got your number from Pixie. I hope you don't mind."

At hindi man lang talaga siya sinabihan ng bestfriend niya? Sana man lang ay nag-warning ito sa kanya para nakapaghanda man lang siya sa pagtawag ni Ross.

At kailangan mo talaga maghanda, gano'n? Ano ba 'yang pinagsasabi mo, Elay? piping kastigo niya sa sarili. Ipinilig niya ang kanyang ulo. Naloloka na yata siya.

"T-that's fine..." tipid na sagot niya.

"And I hope you wouldn't mind also if I'm here outside your office to fetch you."

Nanlaki ang mga mata ni Elay. "S-seryoso ka ba?"

Tumawa ito. "Yeah. Nabigla ba kita?"

Napakamot siya ng batok. Sino ba naman kasing hindi magugulat sa sinabi nito? Nahiya tuloy siyang bigla at bigla din siyang nakaramdam ng pagkataranta. Shit! "Ahm, p-paano mo nalaman itong office ko?"

"I also asked Pixie. Please don't get mad at her. Ako ang nangulit sa kanya." anito.

Sabi na nga ba niya. Si Pixie ang nagkanulo sa kanya.

"S-sige bababa na a-ako. Just give me five minutes, okay lang ba?" aniya.

"Great. I'll wait for you." masayang wika ng binata.

"S-sige." aniya saka tuluyang tinapos ang tawag.

Nagmamadaling lumabas si Elay sa loob ng opisina at nagtungo sa restroom. Naghilamos siya at saka tiningan ang sarili sa salamin.

Party of Destiny Hosted by Lolo Kupido Book 9: Enchanted (Unedited/Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon