Chapter Nine

4.8K 99 1
                                    

SA TAGAYTAY sila nagpunta ni Ross. Pumasok ang sasakyan nila sa isang malawak na gate. Halos isang kilometro rin ang layo ng tinahak nila bago tuluyan silang huminto sa harap ng isang malaking American Style na bahay.

Unang bumaba si Ross sa sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto niyon. Inalalayan din siyang makababa nito sa kotse.

"Welcome to my humble abode." nakangiting sabi ni Ross.

Tiningnan ni Elay ang buong paligid. Nasa labas pa lang sila pero humahanga na siya sa arkitektura ng bahay. Paano pa kaya kapag nakita niya pa ang kabuuan niyon?

"Ang ganda." humahangang wika niya.

"Thank you. I'm glad you like it." anyaya nito.

Halos pigil ni Elay ang hininga habang nakahawak si Ross sa baywang niya hanggang makapasok sila sa loob ng bahay. Ang simpleng paghawak kasi ng binata ay nagdudulot sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Tila ba may binubuhay iyon sa kanyang sistema.

Hindi nga siya nagkamali. Pagpasok nila sa loob ng bahay ay napakaganda niyon. May mga paintings na nakasabit sa dingding. Black and white ang motif ng mga furnitures sa buong kabahayan. Sa gitna pagpasok ng main door ay may grand piano roon.

"This was sold to me by a good friend. The price is good and so the house kaya binili ko ito." paliwanag nito.

"This is so beautiful." hindi maiwasang humangang wika ni Elay.

"Thanks." he answered. Elay could see how proud Ross was.

"Nandito ba si Mrs. Celestin?" tukoy ni Elay sa ina nito. Narinig niyang natawa si Ross. Kunot-noong tiningnan niya ang binata. "Bakit ka natatawa?" Kahit papaano ay unti-unti nang napapalagay ang loob niya sa binata.

"Because you're too formal. Wala si mama dito. Ang totoo, you're the first person that I brought here." nakangiting sabi nito.

Ah! Bakit ba tinitigan niya si Ross? Wrong move, girl, anang maliit na tinig mula sa utak niya. Hindi na naman niya tuloy maiwasan na hindi mahalina sa napakagandang mata nito. Kaagad na nag-iwas siya ng tingin. Sumimangot siya.

Dinala siya ni Ross sa may likod bahay kung saan kitang-kita ang Taal Volcano. Umupo sila sa isang malaking tela na nakalatag sa may damuhan. Sa may gitna niyon n ay may isang picnic basket na nakalagay doon.

Nag-indian sit sila ni Ross. Bilog na bilog ang buwan at napakaliwanag niyon. Tila kumikislap ang Taal lake dahil sa pagtama ng liwanag ng buwan sa tubig. It was very a romantic.

May romantic ka pang nalalaman talaga, huh?

Mula sa picnic basket ay may inilabas si Ross na bote ng champagne kasunod niyon ay dalawang kopita. Nagsalin si Ross ng alak pagkatapos ay iniabot nito ang isang baso sa kanya. The champagne was sparkling and she can hear the crsip sound of it.

"Cheers?" ani Ross habang hawak ang sariling kopita nito.

"Cheers."

They clinked glasses and then Elay tasted it. Iyon na yata ang pinakamasarap na champagne na natikman niya sa tanang buhay niya.

"What can you say?" nakangiting tanong ni Ross.

"It's wonderful." naa-amaze na wika niya. Ngayon lang siya nasarapan ng ganoon sa isang champagne.

"Glad you like it." satisfied na sabi ng binata. "Why were you in the Party of Destiny?" pagkuwa'y tanong nito.

Nagkibit-balikat siya. "Pinilit lang akong isama ng best friend ko. Si Pixie. You know her, right?"

Party of Destiny Hosted by Lolo Kupido Book 9: Enchanted (Unedited/Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon