Chapter Six

4.9K 108 0
                                    

NAGBILANG muna ng hanggang tatlo si Elay bago pumasok sa Envie Tous Vous Gusto. Maaga siyang pumunta doon dahil gusto niyang kausapin ang isa sa may-ari ng restaurant na iyon. Ayon sa kaibigan niyang si Pixie ay ang nagngangalang Ross Celestin ang nagdala sa kanya sa tinutuluyan nila sa Mystic Landia pagkatapos niyang mawalan ng malay sa party dahil sa kalasingan. At ayon pa sa bestfriend niya, ito pala ang may-ari ng pamosong restaurant kung nasaan siya ngayon.

Binati kaagad siya ng receptionist na nagngangalang "Faye" ayon sa suot nitong nameplate pagpasok niya.

"I'm looking for Mr. Ross Celestin." she politely said.

"Just for a moment, Ma'am. Please have a seat first." magalang din na sagot sa kanya nito. Umupo siya sa may upuan sa waiting area ng restaurant kung saan siya pinaupo ni Faye. Nagpaalam ito sa kanya.

Hindi malaman ni Elay kung paano niya haharapin si Ross. Unang kita pa lang niya rito sa bulwagan kahapon ay kakaiba na ang dating ng presensiya nito sa kanya. Pakiramdam niya ay naeengkanto siya sa paraan pa lang ng pagtingin nito. Nanlalamig at the same time ay nagpapawis ang kanyang mga kamay. Isa lang ang ibig sabihin ng no'n: kinakabahan siya!

Elay, ano ba kasing nangyayari sa 'yo? Ano ba ang mayroon sa Ross na 'yon at nagkakaganyan ka? piping kastigo niya sa sarili.

Nang bumalik si Faye mula kung saan ay hindi si Ross ang kasama nito kundi si Fester. Hindi ito nakasuot ng chef's uniform ngayon. Long sleeve na kulay-asul na nakatupi hanggang siko, itim na slacks at itim na leather shoes ang porma nito. Nakangiti ito habang papalapit sa kanya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo. Nagkamay sila.

"You're looking for Ross." It's more of a statement than a question.

"O-oo. P-puwede ko ba siyang makausap?" nananantiyang wika niya.

Lalong lumawak ang pagkakangiti ni Fester. Bigla tuloy siyang nahiya. Alam niyang may alam ito sa nangyari sa party kagabi. Kung hindi man nito alam ang lahat ay tiyak siyang may ideya ito.

"He's not yet here," tiningnan nito ang wrist watch. "Pero malapit na rin 'yon dumating. Na-late lang siguro." anito.

"H-hihintayin ko na lang siya." Akmang uupo na uli siya nang magsalita si Fester.

"Sa office ka na lang maghintay." nakangiti pa ring sabi nito.

"S-sige." aniya.

Sumunod lang siya kay Fester. Pagpasok nila sa loob ng opisina iginaya siya nito sa isang mahabang itim na leather couch malapit sa may bintana. Nagpaalam si Fester sa kanya pero pagkatapos ng ilang saglit ay bumalik uli ito at may bitbit na tray kung saan may tea cup at tea pot. Ipinatong nito iyon sa side table katabi ng inuupuan niya.

"If you wish to drink, just feel free to do so." anito.

"Naku, sana hindi ka na nag-abala." nahihiyang sabi n'ya.

"Magagalit sa akin si Ross kapag hindi ko inasikaso ang bisita n'ya." natatawang sabi nito. Napatango-tango na lang siya pagkatapos ay bahagyang ngumiti. Muling nagpaalam na ito sa kanya.

Pinagmasdan niya ang silid. Mas pakiramdam niya ay nasa loob siya ng isang library kaysa nasa isang opisina dahil sa mga shelves ng libro doon. Antigo din ang style niyon. May ilang mga painting na nakasabit sa dingding. Tumayo siya para tingnan ang mga libro na nasa shelves. Pulos mga cook book kalimitan ang naroon. May dalawang office table na nasa gitna ng silid na gawa sa Narra. Naagaw ang atensiyon niya nang makita niya ang malaking snowball na nakapatong sa bandang kaliwa ng isa sa sa mga office table. Nilapitan niya iyon saka hinawakan. Hindi niya maiwasang mapangiti nang makita ang disenyo ng pigura sa loob niyon: batang lalaki at babae na nakaupo sa isang kahoy na upuan habang magkahawak ang mga kamay.

Party of Destiny Hosted by Lolo Kupido Book 9: Enchanted (Unedited/Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon