Chapter Ten

5K 100 2
                                    

"I MISS YOU." Hinapit ni Ross si Elay sa baywang saka mabilis na hinalikan siya nito sa mga labi pagpasok nila sa bahay. Nando'n uli sila sa bahay ng binata sa Tagaytay.

Hinampas ni Elay ang braso nito saka pinanlakihan ng mga mata.

"Why? What's the matter?" patay malisyang sabi nito.

"Baka makita tayo ni Manang Fe. Kung ano pang sabihin niya." mahinang sabi niya. Ang tinutukoy niya ay ang care taker ng bahay ni Ross.

"She's not here. You have nothing to worry." he said and winked at her. He then again held her waist and kissed her, more passionate this time. Hindi naman na siya nagpakipot pa. Buong puso niyang tinugon ang masarap na halik ng binata.

God, she was totally in love with this man.

Si Ross ang naghanda ng dinner nila sa gabing iyon. Elay couldn't help but smile watching Ross doing the work around in the kitchen. It was her first time seeing him cooking.

"So?" untag ni Ross sa kanya nang tikman nito ang sinasabi nitong specialty nito.

She was speechless. The food tasted so delicious. "Hats off." iyon lang ang tangi niyang nasabi. "What's the name of this food?"

"It's Surf and Turf trio of Salmon Filet with Champagne Sauce, Pork Belly Roulade and Grilled Lamb Chop with Herbs." proud na sabi nito.

Kunwari ay sumimangot siya. "Ang haba naman. Parang pangalan din lang ng restaurant ninyo. Teka ano bang translation ng Envie Tous Vous Gusto? Kasama ba 'to sa menu ninyo sa restaurant?" sunod-sunod na tanong niya habang kumakain.

Bahagyang natawa si Ross.

"Bakit mo 'ko pinagtatawanan, ha?"

Marahang pinisil nito ang ilong niya. "You look prettier when you're frowning."

Umismid siya. "Ayos."

Lalong natawa si Ross. "Okay, to answer your questions, first, Envie Tous Vous Gusto means Cravings All You Want in English. Second, no, this is not part of our menu in the restaurant. Why? Because that is my specialty and I only cooked that for special people." anito pagkatapos ay kinindatan pa siya.

"Okay," simpleng sabi niya pero sa loob-loob ay sobra siyang kinikilig. Pakipot!

Pagkatapos nilang mag-dinner ay nagtungo sila sa likod-bahay at naglatag ng picnic blanket tulad ng kinagawian nila kapag nandoon sila sa resthouse.

"Hm, naniniwala ka ba sa destiny?" tanong ni Elay kay Ross pagkuwan.

"Of course not." ani Ross saka mapaklang ngumiti.

"Bakit naman?" interisadong tanong niya.

"Because nothing in this world is really meant to be, Elay. Whatever is happening to our lives, it's our own choice. It's a result based on our decisions. The problem with people, they used destiny as their excuse only for them to convince theirselves that if they fail, what they did wasn't really wrong. Sasabihin nila iyon ang nakatakda para sa kanila because they are afraid to admit that they made the wrong decision." seryosong sabi nito na hindi man lang tiningnan si Elay. Hindi siya kumibo. Bakit ba parang nasaktan siya sa sinabi nito? "You believe in destiny, don't you?" balik na tanong sa kanya ng binata.

Tumango-tango siya saka tumingin sa kumikislap na tubig ng Taal lake. "Yeah. Naniniwala ako na ang bawat nangyayari sa buhay natin ay nakatakda para sa atin. Lahat ng tao na nakikilala natin, itinadhana iyon ng Diyos para makasama natin at mahalin natin at higit sa lahat ay bigyan tayo ng leksiyon para matuto tayo. Whether the experience was painful or not, I believe that it was destined to happen." sagot niya.

Party of Destiny Hosted by Lolo Kupido Book 9: Enchanted (Unedited/Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon