Prologue

2.1K 32 3
                                    

Prologue:

Para sa inyo, Ano nga ba ang ibig sabihin ng CRUSH at saan mo ito maikukumpara?

[ Motivation ] - dahil isa siya sa mga taong pinanghuhugutan mo para magawa at mapagtagumpayan mo ang isang bagay.

[ Oxygen Tank ] - dahil hindi mo kayang mabuhay kapag hindi mo siya nakikita o nakakasalamuha.

[ Allowance ] - dahil siya ang dahilan kung bakit ka pumapasok sa eskwelahan kahit tamad na tamad ka na.

[ Mathematical Problem ] - dahil kapag hindi mo siya makuha, Titigan mo na lamang hanggang sa matunaw ito.

[ Clown ] - dahil siya lang ang tanging taong nakakapagbigay ngiti sa iyong labi at tuwa maliban sa mga kaibigan at pamilya mo.

[ Corn ]- dahil isa siya sa mga dahilan kung bakit ka nagiging corny mapansin ka lang niya.

[ Social Networking Sites/SNS ] - dahilan kung bakit halos mahiya na yung mata mo sa laki ng eyebags mo dahil sa pagpupuyat kapag online siya. Pero hindi mo naman china-chat.

[ Coffee ]- source ng bitterness mo kapag nagseselos ka kasi alam mong wala kang karapatan.

[ Axis ] - dahil para sa iyo, sa kanya lang umiikot ang mundo at puso mo.

[ Puzzle Piece ] - dahil alam mong siya ang kukumpleto ng araw mo.

And Lastly, Ang pinakamatindi;

[ Death ] - Two types; Una, pwede kang mamatay sa kilig dahil sa kanya; Pangalawa, pwede siyang maging sanhi ng pagguho ng mundo mo at kamatayan kapag nalaman mong taken na siya.

Malamang sa hindi, iyan ang isasagot ng karamihan sa atin, Bitter man, In love o patuloy na umaasa. O di ba, Para ka lang nagsagot ng isang Slambook at aminin kinikilig-kilig ka pa dahil naalala mo siya.

Pero para sa akin, hindi lang ganoon kababaw ang meaning niyon, at hindi lang sa kung anu-anong bagay ko siya ikukumpara. Simply because I never had one, BEFORE.

But now, I'm proud and glad to say that I already have ONE. Kaya nga mas pinagisipan ko ng mabuti yung sa akin para kung sakaling may magtatanong niyan sa akin, Kakaiba yung isasagot ko. Ayaw ko kayang may kapareha at ng Cliché. Sino nga naman may gusto niyon 'di ba?

So if I'll answer that question, I can compare Crush to my Crush because it is about Catching Reginald Uy Sarmiento's Heart.

CRUSHWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu