Chapter Seven - Homecoming

460 9 2
                                    

Chapter Seven - Homecoming

Ilang taon ang lumipas matapos mangyari ang insidenteng iyon pero para sa akin parang kahapon lang iyon nangyari. Hanggang ngayon kasi ay binabangungot pa rin ako ng nakaraang iyon at patuloy na sinasaktan.

"Reika? Are you still with me?"

Hindi ko namalayan na kinakausap pala ako ni Keith. Lately, masyado na akong nagpapa-apekto sa nakaraang iyon. Nakatanggap kasi kami ng imbitasyon mula sa University para sa Grand Alumni Homecoming. Bakit ba kasi kailangan pa kaming imbitahin sa Homecoming?

"O..oo naman."

"Do you want to go?"

Umiling agad ako. Marami akong masakit na ala-ala sa lugar na iyon na ayaw ko nang balikan. Pumunta ako sa may terrace namin para makalanghap ng sariwang hangin. Bakit ba kasi hindi pa rin ako tinitigilan ng nakaraan ko? Hindi pa siya tapos sa pananakit sa akin? Kulang pa ba yung naranasan kong sakit?

Naramdaman ko na niyakap ako ni Keith mula sa likod at ipinatong niya yung baba niya sa may balikat ko. Mabuti na lamang ay nariyan si Keith. Siya ang dahilan kung bakit ako nakabangon ngayon at pilit na bumabangon. Siguro kapag wala siya baka pinulot na ako sa kalsada ng mga volunteers ng DSWD noon.

"You know what? Running away from your problems will do you no good. In fact, It will just chase and hunt you more."

"What are you trying to say?"

"What I am trying to say is," Hinarap niya ako sa kanya at tiningnan sa mata. "Maybe this is a good opportunity to conquer you past. Let's go there and face everything. Maybe that thing will help you to forget everything."

Niyakap ko siya. Siguro makakatulong nga pero walang kasiguraduhan. Pero wala namang masama kung susubukan ko. Baka makatulong nga.

"Pwede rin. But promise me one thing?"

"What is it?"

"Always stay at my side."

"Always."

Ilang minuto rin kaming magkayakap. I'm so thankful that I have him. Kahit kailan hindi niya ipinaramdam sa akin na balewala lang ako sa kanya bagkus ipinaramdam niya sa akin kung gaano ako ka-espesyal.

Nakakatawa ngang isipin kasi yung taong sobrang kinamumuhian at kinaiinisan ko noon ay siya palang nagmamahal ng sobra sa akin. Noon at ngayon.

Pero nagi-guilty lang ako, hindi naman siya ganoon kahirap mahalin pero bakit hindi ko maibigay ng buo ang puso ko? Laging may puwang dito si Reginald.

Kailan kaya dadating yung panahon na ako lang at si Keith tapos masaya kami? Yung walang Reginald o nakaraan na nanggugulo? Sana lang dumating na iyon. Ayaw kong nahihirapan si Keith ng dahil sa akin.

=-=-=-=

"Are you ready Reika?" Tanong sa akin ni Keith. Nahalata niya siguro yung kaba ko. Narito na kasi kami sa harap ng pintuan ng auditorium.

Tumango ako ng marahan. Mabuti na lamang masquerade yung theme ng homecoming ngayon. At least may suot-suot kaming maskara at walang makakakilala sa akin o makaka-alala sa babaeng nagpakatanga sa maling tao kaya siya naloko ng Best Friend at ng taong mahal niya.

Pagkapasok namin sa loob ng auditorium ay namangha ako agad. Maraming nagbago rito. Mas lumaki pa ito at nagkaroon na ng mga Aircon. Maganda rin yung disenyo nila dito ngayon na halatang pinaghandaan.

Okay na sana ang lahat pero kung minamalas ka nga naman. Inanunsyo ng emcee na kailangan naming pumunta sa mga kanya-kanyang table base sa course at section namin noon.

CRUSHWhere stories live. Discover now