Chapter Three - Frenemy

558 13 4
                                    

Chapter Three - Frenemy

"Bakit ang bait-bait mo sa akin?" Tanong ko kay Keith.

Pagkatapos ko kasi siyang gawing handkerchief kanina ay inilibre niya pa ako sa isang mamahaling restaurant dahil narinig niya yung tiyan kong nag-aalburoto at ang nakakainis lang pinagtawanan niya muna iyon bago ako inilibre.

Syempre may nararamdaman din akong konting guilt dahil sa pagsama ko sa kanya kasi Boyfriend siya ng Best Friend ko at dapat si Marie yung nandito pero wala naman kaming masamang ginagawa atsaka gutom ako. I'm sure maiintindihan ni Marie iyon.

Isa pa alam ko namang pinapagaan niya lang loob ko. Siguro bilang Boyfriend ng Best Friend ko ay kailangan niya rin akong kaibiganin at tulungan kapag nangangailangan. Atsaka Maganda na rin ito para mas makilala ko siya kasi sa mga ipinapakita niya sa akin ngayon, parang mali yung panghuhusga ko sa kanya noon at pagkakakilala.

Pero it doesn't mean na tama pa rin yung ginagawa niyang pagpapahirap kay Reginald at pambu-bully sa kanya. Hindi ko pa rin nakakalimutan iyon.

"Dahil siguro kaibigan ka ng shota ko."

Grabe. Akala ko may manners kapag mayaman ka at hindi ka gumagamit ng mga kalyeng salita katulad ng shota which is not proper kasi kapag sinabi mong Shota, parang sinabi mo na ring For Short Time kaya mas maganda pa rin na tawagin mong Boyfriend o Girlfriend yung taong mahal mo.

"Okay. Akala ko kasi may gusto ka sa akin." Sabi ko at bigla siyang nabulunan kaya iniabot ko agad yung tubig sa kanya.

"Heck no. Ikaw? Magugustuhan ko. Nagpapatawa ka ba? Ang pangit mo kaya." Aray. Ang sakit niyon. Makapangit? Wagas akala mo siya na ang pinakagwapong nilalang? Hello mas gwapo kaya sa kanya si Reginald.

"Makapangit ka? Akala mo kung sino kang gwapo pero Good to know. Dahil para kay Reginald lang talaga ako."

"Gustung-gusto mo talaga yun? Mas hamak na mas gwapo ako sa kanya."

"Ikaw lang nakaka-alam niyan."

Habang kumakain ay nagkukwentuhan kami. Masaya rin pala siya kasama kaya siguro maraming nagkakandarapang babae sa kanya. At siguro kaya ang init na init ng dugo ko sa kanya ay dahil kayabangan niya lang yung nakikita ko at hindi itong good side niya.

"Bakit mo pala hindi tinuloy yung ano kanina?"

"Anong ano?"

"Yung CPR?"

Kanina pa kasi tumatakbo sa isipan ko iyon. Kasi sayang din yung additional fifteen points ng grupo nila at alam kong hindi niya kayang isakripisyo iyon para lang isang katulad ko na imbyernang-imbyerna pa sa kanya.

"Simple lang, I don't want to kiss you because you have dry lips and I don't like kissing someone who have it."

Ang yabang talaga nito. Pero hindi na ako yung katulad dati na gusto siyang palutangin sa Ilog Pasig kapag niyayabangan ako. Marahil siguro nakita ko na yung good side niya atsaka alam ko namang nagbibiro lang siya. Kahit ganyan-ganyan yan alam kong hindi siya ganoon kababaw.

"Ang sama mo. Yung totoo nga."

"I saw you crying." Seryoso niyang sabi. "And I don't want to do it when someone doesn't like it because it's a total BS."

"Thank You." Sabi ko sa kanya.

"You keep on saying Thank You but yeah, You're welcome."

"Nakita mo ba sila kanina?"

Syempre curious ako kung nakita niya sila Reginald at Marie kasi kahit hindi ko siya nakita gusto kong malaman kung totoo bang nangyari iyon dahil baka praning na naman ako. Iiyak-iyak dahil sa bagay na hindi naman nangyari at ang tanging basehan lang ay ang imahinasyon ko. E 'di mas nagmukha lang akong tanga.

"Ang alin na naman? Kumpletuhin mo kasi." Naiirita niyang sabi.

Napaka-slow naman kasi atsaka paano ko kukumpletuhin e hindi ko nga magawang sabihin ng diretso dahil para sa akin kahiya-hiyang bagay iyon.

"Yung CPR nila Reginald at Marie? Nangyari ba talaga?" Tumango siya. "Hindi ka man lang ba magseselos kasi hinalikan ng kinaiinisan mong tao yung Girlfriend mo?" Kasi nakakapagtaka rin kaya.

"Nope. Why would I? Marie hates that guy remember."

"Sabagay." Yan na lang ang nasambit ko.

"Bakit mo ba nagustuhan si Reginald?" Bigla akong napaisip sa tanong niya. Bakit nga ba?

"I don't have any reason because liking or loving someone doesn't need a reason."

"Hindi ba pinalalayo ka na rin niya? Bakit ayaw mo?"

Bakit ba ang daming tanong ng lalaking ito? At ang dami niya ring alam? Stalker siguro ito ni Reginald? O nalalaman niya lang kay Marie?

"Because I'm still hoping that he'll also love me someday."

"Hoping is dangerous. It can hurt you so much and change you into someone you don't want to be."

"Seriously? Bakit ayaw na ayaw mo ba para sa akin si Reginald?"

"I don't like him because first of all, He doesn't like you," May point siya. "Second, mas marami pang lalaking nagkakagusto sa iyo at hindi mo lang napapansin dahil masayado kang patay na patay kay Reginald. Delikado rin iyon dahil sa nakikita ko wala ka ng itinitira sa sarili mo."

"Don't worry. I can handle it."

"You don't get it. Minsan ikaw na lang yung nagpupumilit sa isang bagay kaya ka nasasaktan. Okay ding sumuko kapag may time."

Napaka-kulit din nitong lalaking ito. Pero parang napaisip ako sa mga sinasabi niya. Paano nga kung ako na lang ang nagpupumilit? Paano kung sobra na talaga akong nagpapakatanga sa lalaking may ayaw sa akin?

"Paano ko malalaman kung kailangan ko nang sumuko?"

"Ask for a sign it would greatly help," He simply said. "And if that sign didn't happen, come to me and I'll introduce you to someone who's been admiring you ever since he saw you."

"Seriously? Bakit parang kilala niyo pa yata yung nagkakagusto sa akin kaysa sa akin?"

Ganoon ba ako ka-dense na hindi ko man lang kilala o alam na may nagkakagusto sa akin? Pero ano kaya mararamdaman ko kapag nakilala ko na siya? Ang gulo-gulo na tuloy ng isip ko. This guy is making me so confuse.

"Kasi nakatuon yung pansin mo sa ibang tao na may gusto namang iba kaya hindi mo napapansin yung pagiging halata niya."

"Sure ka bang hindi ikaw iyon?" Biro ko dahil masyado siyang seryoso at hindi ako sanay.

"Ang kulit mo. Hindi kita type."

"Kasi type na type mo?"

"Oo." Bigla akong napatigil sa kakatawa. Tama ba yung narinig ko? "Type na type itapon sa basurahan." False alarm lang pala. Mabuti na lang.

"A. Hehe. Tara na. Gabi na baka hinahanap ka na ni Marie." Pagkasabi ko niyon ay inihinatid na niya ako sa dorm namin para makita na rin niya si Marie.

Bakit ganoon? Nagkaroon yata ako ng Mini-heart attack kanina? Biglang bumilis yung tibok ng puso ko? Paano ba naman kasi itong lalaking ito parang ewan. Ewan ko ba kung bakit ko ito naging instant Frenemy.

Frenemy instead na friend dahil friends kami at enemy sila ni Reginald. Half-half kumbaga unless maging friends sila ni Reginald.

--x

Author's Note: Hello! I dedicate this chapter to ate Nayin (nayinK) kasi kung hindi po dahil sa contest niya wala po itong story na ito. Thank you po sa opportunity ate Nayin :) More power po and God Bless :)

CRUSHWhere stories live. Discover now