Chapter Eight - Endeavor

427 12 3
                                    

Chapter Eight - Endeavor

"Where do you want me to start?" Masaya niyang tanong habang nagluluto.

Dito niya kasi ako dinala sa condo niya kagabi at dito niya rin ako pinatulog. At wala pa yata siyang balak na pauwiin ako o paalisin dito dahil gusto niyang ipaalala yung mga nangyari noon na ayaw ko nang maalala pa at paano mo pipiliting makaalala yung taong nakakaalala naman nung nakaraan niya at nagpapanggap lang? Ang ironic lang.

Pero kahit sinabi ko na ayaw ko nang maalala iyon because past is past and future is more important than the past, ayaw niya pa ring pumayag na umalis ako at hindi rin ako maka-alis dahil sa ayaw niyang ibigay yung damit ko kagabi at T-shirt at Shorts niya lang ang suot ko ngayon kaya napilitan na lang akong pumayag sa gusto niya pero hanggang limang araw lang.

Mabuti na lamang ay sinamahan niya akong pumunta sa isang mall kagabi para bumili ng garments na gagamitin ko sa pamamalagi ko sa poder niya pero siya pa rin nagtatago ng mga iyon. Napaka-bossy niya. Ganyan ba siya manuyo?

Tinawagan ko na rin si Keith para hindi siya mag-alala pero mas lalo lang ata siyang nag-alala dahil hindi ko sinabi yung rason kung bakit ako hindi uuwi sa hotel namin ng limang araw. Great Reika. You really know how to hurt Keith easily.

"Bahala ka. You're the one who keeps on insisting this kaya ikaw dapat ang mag-isip." Sabi ko habang pinagmamasdan siya.

Ano bang nangyari sa kanya? Bakit siya nagkaganyan? Ang daming nagbago sa kanya? Hindi na siya yung katulad ng dati na tahimik at walang pakialam sa ibang tao? What made him change? Or who made him change? Napakamasayahin na niya ngayon. Parang nagkapalit kami ng ugali.

Nabago rin kasi ako ng insidenteng iyon. Para ngang naglaho yung dating Reika na masayahin at optimistic dahil doon. Siguro nga tama yung sinasabi nila na nagbabago ang isang tao kapag nasaktan siya ng sobra.

"Sinabi mo yan." He said while smirking.

Siguro kung ganyan lang siya sa akin dati baka mas lalo akong nahulog sa kanya. Ganoon ko nga siguro siya kamahal at ganoon din ako kapatay na patay sa kanya na kahit na nahihirapan na ako at nasasaktan ay okay lang. 

Pagkatapos naming kumain ay umalis na kami sa condo niya. Saan niya kaya ako dadalhin? Baka sa university na naman? Puro masasakit na ala-ala lang yata ang maipapa-alala niya sa akin.

Bakit ba kasi ako pumayag? Dahil ba nagpapakatanga na naman ako sa kanya? O gusto kong patunayan na yung nakaraan na iyon ay mananatili na lang na nakaraan? Na tapos na yung panggugulo niya sa akin ngayon?

Makalipas ang ilang minutong biyahe ay dinala niya ako sa isang theme park. Dito kami nagpunta noong first date namin. Dito ko rin unang naramdaman na hindi talaga ako espesyal sa kanya dahil sa paglalakad niya ng mabilis na halos habulin ko na siya na parang tutang humahabol sa amo niya. Siguro yun yung naging basehsan niya noon kaya niya nasabi na  para akong isang tuta na hahabol-habol sa kanya. 

Pagkapasok namin sa amusement park ay binilisan ko yung paglalakad ko pero nasasabayan niya pa rin ako hanggang sa ako na ang sumuko at naglakad na lang ng mabagal. Mukhang hindi ako makakaganti sa ginagawa niya noon. Hindi ko na lang siya papansinin.

"I'm not good at explaining things so I hope you can cope up with me." Hindi ko pa rin siya pinapansin. Kunyari wala akong naririnig. "This is the place where we held our first date. Do you remember anything so far?"

Oo meron. Marami. Yung pang-iiwan mo sa akin, yung pagiging maarte mo, at lahat-lahat ng masasakit na ginawa mo sa akin noon, naalala ko.

Gusto ko sanang sabihin iyon pero umiling na lang ako. Nagpatuloy lang siya sa pagkukwento at nagulat ako dahil hanggang ngayon kabisadong-kabisado niya pa rin yung mga ginawa namin noon at yung pagkakasunod-sunod nito.

CRUSHWhere stories live. Discover now