Chapter Nine - Confusion

407 10 2
                                    

Chapter Nine - Confusion

"Because I love you"

Paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko ang mga katagang iyan na nagiging sanhi ng pagtibok muli ng puso ko sa kanya. Hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko.

Oo inaamin ko sa ilang araw na pamamalagi ko rito sa bahay niya, hindi maipagkakaila na nahulog na naman ako sa kanya. Kahit anong iwas o pigil ko sa nararamdaman ko ay lalo lang itong lumalala.

Sino ba naman kasi ang hindi mahuhulog sa mga effort na ginagawa niya na hindi mo aasahang gagawin ng isang Reginald Uy Sarmiento? Sino ba naman ang hindi mamamangha dahil yung mga bagay na ibinigay ko sa kanya na lagi kong natatagpuan sa basurahan noon ay nasa kanya pa rin hanggang ngayon? Hindi ko alam kung paano niya nakuha iyon.

Isa lang ang alam ko, hindi pwede ito. Ikakasal na ako kay Keith at ayaw ko siyang saktan. Bakit ba kasi kailangang mangyari ito? Tahimik na ang buhay ko kasama si Keith pero ginulo na naman ng tadhana. Wala na ba akong karapatang lumigaya? O sinusubukan niya ako? Kasi kung oo, inaamin ko na yung pagkatalo ko.

"Reika may naalala ka na ba?" Tanong niya. Umiling lang ako.

"Hindi bale, hindi ako susuko basta-bas-" Hinawakan ko yung kamay niya.

Dahil din sa tadhana na iyan kung bakit ako nalilito at nasasaktan, hindi dahil sa nakaraan kundi sa mga nangyayari ngayon. Hindi ko alam kung sino pipiliin. Dahil talagang may masasaktan at masasaktang isa.

"No Reginald, You've done enough." Nararamdaman ko nang nangingilid yung mga luha ko.

"Pe.."

"Tapos na ang limang araw. I need to go."

Masakit mang pumili pero kailangan kasi kung hindi ako pipili, Pare-pareho lang kaming masasaktan kaya nakapagdesisyon na ako, Si Keith ang pinili ko. Napakalaki ng utang na loob ko sa kanya at ayaw kong masaktan na naman siya dahil sa akin.

Papasok na sana ako sa kwarto ko para ayusin yung mga gamit ko at para tawagan si Keith para magpasundo pero nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Reginald mula sa likod.

"Please don't do this Reika. Mahal na mahal kita." Sambit niya na naging sanhi ng pag-iyak ko.

Mahal? Bakit niya ako sinaktan noong una pa lang? Bakit hindi niya ako pinahalagahan? Bakit niya ako hinayaang umalis noon? Higit sa lahat, Bakit niya ako sinaktan ng ganoon? Anong dahilan niya?

"I'm sorry."

Umalis na ako sa pagkakayakap niya at pumasok na sa loob ng kwarto ko. Doon ako umiyak. Ang sakit, Ang sakit-sakit. Bakit kung kailan malapit na akong ikasal sa iba doon niya lang napagtanto na mahal niya ako? Bakit hindi pa noon? Noon na walang masasaktan?

Naguguluhan ako sa nararamdaman ko ngayon. Nagsisimula na rin akong magduda sa nararamdaman ko kay Keith. Hindi ko alam kung mahal o minahal ko ba siya dati o gusto ko lang ibalik lahat ng mga kabutihang ginawa niya sa akin kaya ako pumayag na magpakasal sa kanya.

Kaya siguro hindi ko makalimutan yung mga nangyari noon at yung mga parte niyon lalong-lalo na si Reginald dahil may halaga pa rin sila ngayon at mahal ko pa rin talaga si Reginald. Mahal na mahal ko pa rin siya.

Pero hindi pwede. Ayaw kong masaktan na naman si Keith dahil sa akin. Kailangan kong magsakripisyo at wala rin namang kasiguruhang mahal talaga ako ni Reginald. Malay ko bang pinaglalaruan na naman niya ako.

Kinuha ko na yung cellphone ko at binuksan ito. Siguro iisipin ko na lang na anf lahat ng ito ay isang magandang panaginip tutal doon naman ako magaling, ang magpanggap at talikuran ang isang problema at idepende sa iba.

Tatawagan ko na sana si Keith pero kumatok si Reginald at pumasok. May dala-dala siyang malaking square na nakabalot sa dyaryo. Tinanggal niya yung balot at nakita ko yung laman nung dala-dala niya.

Iyon yung painting ko na iniregalo ko sa kanya noon. Yung painting na ginawa ko para sa taong nagligtas sa akin pero sa ibang tao ko naibigay. Nakapinta roon yung mismong scenario na nakatitig lang ako sa kanya at siya sumisigaw habang nasa gilid ng mailaw na lugar ng Makati.

"Do you remember this?" Umiling ako agad na ikinangiti niya ng malungkot. Masyado na pala akong nakatitig doon. "Binigay mo sa akin ito noon bilang pasasalamat mo sa pagliligtas ko sa iyo noon na kahit anong tanggi ko ay ipinipilit mo. Hindi ko nga alam kung paano mo nalaman na ako iyon samantalang nakahoodie ako noon at shades." Bigla akong naguluhan sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ako talaga yung nagligtas sa iyo noon pero itinatanggi ko lang."

Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya. Sino ba talaga sa kanila ni Keith? Sino ba talaga ang nagsasabi sa kanila ng totoo at sino ang nagsisinungaling at nanloloko sa akin?

"Anyway, I think you've made up your mind but can I ask a favor?" Tumango lang ako.

"Pwede mo ba akong samahan sa family reunion namin?"

Tiningnan ko siya at yung hitsura niya ngayon ay parang hitsura niya rin dati noong nagtanong siya kung pwede ko siyang yakapin. Napakalungkot niya kaya agad akong nakaramdam ng kirot sa puso ko.

Pumayag na lang ako bilang huling kahilingan niya na tutuparin ko at hindi ko man magawang maamin sa sarili ko, alam ng puso ko na gusto ko pa siyang makasama.

Pagkarating doon ay ipinakilala niya ako agad sa papa niya at sa ilang kamag-anak niya. Dahil sa nagtataka ako kung nasaan ang mama niya, tinanong ko iyon at sinabi niya na matagal na itong yumao.

"I'm sorry."

"Okay lang. Gusto mong sumayaw?" Tumango naman ako. Ipinalibot niya yung kamay niya sa baywang ko samantalang ipinatong ko naman yung mga kamay ko sa balikat niya.

Habang nagsasayaw ay tinitingnan ko lang siya. Lahat ng bagay na gusto kong mangyari noon ay nangyayari ngayon, ngayon kung kailan may limitasyon at kung kailan hindi na pwede.

Naramdaman kong inilapit niya ako sa kanya. Bumilis na naman yung tibok ng puso ko at nararamdaman kong nag-iinit na yung mukha ko. Niyakap niya ako bigla.

"I love you Reika. Please don't leave me again." Naramdaman ko yung mainit niyang hininga sa tapat ng tainga ko.

Nagtatalo ngayon yung puso't isipan ko. Hindi ko alam kung ano ang susundin ko. Gusto ng puso ko na manatili na lang sa tabi niya pero ang gusto naman ng utak ko ay ang bumalik ako kay Keith at magpakasal at kalimutan na ang lahat ng ito.

Niyakap ko rin siya. Siguro pinaglalaruan na naman ako ng tadhana at ginugulo ang isipan ko. Magpapakasal pa rin ako kay Keith dahil marami na siyang naitulong sa akin at kung hindi dahil sa kanya baka wala ako ngayon dito.

Umalis na ako sa pagkakayakap niya at sasabihin ko sana na hindi pwede pero may biglang tumawag sa pangalan ko at nagulat ako nang mapagsino ko iyon.

"Keith?!"

CRUSHWhere stories live. Discover now