Epilogue - His Side

620 19 13
                                    

Epilogue - His Side

[Reginald Uy Sarmiento's P.O.V]

Simula pa lang nung makita ko siya at mailigtas ay may naramdaman na kaagad akong kakaiba. Yung pakiramdam na sinasabi nila kapag nakita na nila yung taong mamahalin nila habang buhay. Yung tipong babagal yung oras at nakikita mo yung hinaharap niyo. Tapos sasabayan pa ng mabilis at malakas na tibok ng puso mo. Ganoon na ganoon ang naramdaman ko noon.

Pagkatapos ng insidenteng iyon, akala ko hindi na kami magkikita ulit pero akalain mo ba naman, pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa university ay siya agad ang nakita ko.

Pero akala ko magiging maayos na ang lahat pero mali ako. Nalaman kong may gusto rin si Keith kay Reika, na Step-brother ko na hindi ako magawang matanggap-tanggap at mas masahol pa sa anak sa labas ang turing sa akin.

At mas lumala iyon nang malaman niya na may gusto ako kay Reika at sinabihan niya ako na layuan ko siya. Ang kapalit ng paglayo ko ay ang pagtanggap niya sa akin. Ginawa ko naman iyon dahil sa gusto kong matanggap na niya ako at wala nang mawalan na ng problema si Dad.

Pero mas lalo lang siya nagalit nang malaman niya na may gusto sa akin si Reika na hindi ko inaasahan. Dahil din doon kaya niya ako mas lalong pinag-initan. Siya rin ang naging dahilan kung bakit halos lahat ng tao sa university ay galit sa akin pero hinayaan ko na lang siya. Kahit binu-bully nila ako hinahayaan ko na lang pero ang hindi ko lang talaga masikmura ay ang saktan si Reika. 

Gustong-gusto ko siyang ligawan at maging kaibigan pero alam ko hindi pwede dahil kay Keith kaya masakit man sa akin, mas pinipili ko siyang ipagtabuyan. Pero hindi ko naiiwasan na hindi ako maging concern sa kanya kaya ipinapakita ko iyon ng patago. Ako ang nagbibigay sa kanya ng kumot, ang nagbabantay sa kanya kapag natutulog siya sa rooftop at pumapatay ng lamok. 

Kuntento na ako sa ganoon pero hanggang isang araw nagbago iyon. Narinig kong kinakausap ni Keith si Marie, na Best Friend ni Reika, sa isang liblib na parte ng university at nalaman kong inuutusan niya itong paibigin ako. Pagkatapos kapag napaibig niya na ako ay saka naman niyang iuutos sa akin na saktan si Reika at ipahiya sa harap ng maraming tao.

At pagkatapos kong marinig iyon ay halos hindi ko mapigilang hindi matawa. Iyon na yata ang pinakawalang-kwentang plano ni Keith at tanging desperado na lang ang gagawa niyon.

Pero nagulat ako nang tinanggap iyon ni Marie dahil lang sa tinakot siya ni Keith na iiwan siya nito kapag hindi siya nagtagumpay sa inuutos ng magaling kong Step-brother. Doon na nagsimulang magbago paningin ko sa kanya. Biruin mo, Sasaktan niya ang Best Friend niya para lang sa isang katulad ni Keith? Na isang nakapakamakasariling tao?

Pagkatapos niyon ay sinimulan na akong kulitin ni Marie ng patago habang ako naman ay pilit siyang iniiwasan kahit na naaawa ako sa kanya. Halata pa naman dito na patay na patay siya kay Keith na halatang gagawin ang lahat para kay Keith at nakikita ko ang sarili ko sa kanya, parang pareho lang kasi kami ng sitwasyon, Pareho kaming umiibig pero hindi pwede dahil sa may mahal na iba yung taong mahal mo o may masasaktan.

Dumating yung araw ng quiz namin at hindi ko inaasahan na si Reika at Marie ang magiging dummies namin at kung minamalas ka nga naman, ang naging dummy ng grupo ko ay si Marie samantalang si Reika naman ang kila Keith. Panigurado hiniling ito ni Keith sa professor namin at sinunod naman nito dahil palibhasa isa sa mga pinakamalaking shareholders ng university ang pamilya ni Keith.

Nalaman ko rin na parusa ito sa kanila dahil sa pagsigaw niya ng sagot sa akin noon at alam kong ako ang may kasalanan. Pati kasi professors namin pinag-iinitan ako dahil gustong sumipsip kay Keith at sa Papa nito. Hindi ko na ito ipinaparatin kay Tita Grace, Ina ni Keith at kay Dad dahil baka mas lalo lang lumala ito.

CRUSHWhere stories live. Discover now