Chapter Twelve - Flabbergast

505 7 2
                                    

Chapter Twelve - Flabbergast

"Congratulations Ms. Santos. Succesful ang project natin," Sabi ng boss namin na si Mrs. Castro."And another thing Ms. Santos, Iniimbita ka nga pala ng anak ko sa kasal niya since ikaw naman daw ang gumawa ng disenyo ng simbahan."

Tatlong buwan ang lumipas matapos ang mga masasalimuot na nangyari sa akin. Ipinagpatuloy ko ang buhay ko at ngayon ay isa na akong successful Interior Designer sa isang Architecture Firm dito Maynila. Marami rin akong mga nakilalang mga kaibigan katulad ni Dhon at ni Cess. Pagkatapos ng mga unos na nangyari sa akin noon ay kahit papaano masasabi kong masaya ako.

"Naku Mam. Mukhang hindi po ako makakapunta."

Dahil tuwing may nag-aaya sa aking pumunta sa isang kasal, ang tanging naaalala ko lang ay yung mga masalimuot kong karanasan sa mundo ng pag-ibig at yung pagkaudlot ng kasal namin ni Keith. Bitter na kung bitter.

"Sige na Reika. Hindi mo ba ako mapagbibigyan?"

"Pag-iisipan ko pa po."

"Talaga? Sana pumayag ka na. Panigurado magiging masaya siya."

Si Mrs. Castro talaga. Alam niya kasing malakas siya sa akin e. Pero hindi ko alam kung pupunta ba ako o hindi. Tatanungin ko muna sina Dhon, Cess at Marie. Kaibigan kasi ni Marie sila Cess at Dhon and since nagkapalagayan naman kaming apat ng loob, naging mag-best friends na kaming apat.

"Kailan po ba ang kasal mam?"

"Ngayong buwan ng Hunyo."

Wala pang specific date? Medyo weird pero sabagay, Mahirap sigurong makahanap ng slot sa simbahan o reception since June ngayon at madaming gustong magpakasal. Kahit ako nga gusto ko ring maging June Bride kaso mukhang matagal-tagal pa iyon o hindi na mangyayari dahil sa napakamalas ko sa pag-ibig at ni Boyfriend ay wala ako ngayon kaya nga baka magkumbento na lang din ako.

Pagkatapos kong makausap si Mam ay nagpunta ako sa grupo ko at niyaya silang lumabas para magdiwang dahil sa success ng project namin. Niyaya ko rin sina Marie, Cess at Dhon since kilala naman na sila ng mga kagrupo ko dahil nasa iisang kumpanya lang naman kami pero magkaibang department.

"Reika balita ko iniimbita ka raw ni Mrs. Castro sa kasal ng anak niya?" Ang bilis talaga makarating ng balita sa kanya. Kahit nga yung pagpapanggap ko na may amnesia ako noon ay alam na niya agad na pagpapanggap lang iyon bago ako umamin. "Pupunta ka ba?"

"Ikaw sa tingin mo? Kasi alam mo naman yung nangyari sa akin."

"I think you should come. You need to get a life and you should do anything that can make you happy. Don't let the past affect you because you'll regret it someday."

Siguro nga tama siya. Ako na lang yung nagpapa-apekto sa nakaraan samantalang yung mga taong naging parte niyon sa malamang sa hindi, mayroon ng masayang buhay ngayon.

I wonder, kamusta na kaya si Keith? E si Reginald? Napatawad na kaya niya ako? Siguro hindi pa. Alam ko yung feeling na ipahiya ka ng taong mahal mo sa harap ng maraming tao.

"Tingin mo Marie, Mahal pa rin kaya ako ni Reginald?"

Hanggang ngayon kasi mahal na mahal ko pa rin siya. Ang tanga-tanga ko lang kasi. Bakit ko pa itinanggi yung pagmamahal ko sa kanya. Bakit ko sinayang yung ikalawang pagkakataon na ibinigay sa akin? Alam ko wala na akong magagawa kung hindi ang pagsisihan ang katangahang iyon habang buhay. Bakit ba kasi nasa huli ang pagsisisi. Hindi ba pwedeng nasa unahan? O kaya may warning sign yung tipong titigil na lang yung oras o hihimatayin ka?

"He still loves you. Believe me Reika."

Sana nga totoo yung sinasabi ni Marie. Sana sa kanya rin nanggagaling iyang mga salitang iyan. Sana mayroon pa kaming pangalawang pagkakataon. Puro Sana. Hindi ba pwedeng yung sana mangyari naman?

CRUSHWhere stories live. Discover now