Chapter One - Determination

1.3K 20 2
                                    

Chapter One - Determination

[Reika Joy Santos' Point of View]

Why I can't see him? I even sacrificed my first subject just to see him. Sinubukan ko pa siyang hanapin pero hindi ko pa rin siya makita. Where art thou Reginald Uy Sarmiento? Naging invisible ka na ba dahil sa kakulitan ko o Natunaw dahil sa katitig ko sa iyo?

Umupo na lang ako sa platform ng rooftop namin na nagsisilbing harang para sa mga taong katulad ko na nadedepress. Mamaya magpakamatay bigla hindi ba?

But I'm too depress kasi hindi ko siya nakita wherein this is the only chance that I'll see him everyday unless I'll barge in to their class and excuse him just to say "Hi" or get some luck to see him along the corridors.

Feeling ko kasi hindi makukumpleto ang araw ko kapag hindi ko siya makikita. Siya na nga lang ang inspirasyon ko para pumasok at magsikap para matustusan ko ang pag-aaral ko sa mamahaling eskwelahan na ito na akala mo puro ginintuang aral ang itinuturo.

Bakit ba naman kasi ngayon ko lang naranasang magkagusto sa isang tao? Yan tuloy nahulog ako ng sobra sa kanya at hindi na ako makaahon.

"Reika Joy Urdaneta Santos!"

Tumingin ako sa pintuan ng Rooftop para malaman kung sino yung tumawag sa akin. Si Marie lang pala. Ang Best Friend ko na kabilang sa fans club ng mga haters ni Reginald.

"So you ditched our first class just to find that stupid guy?"

Ayan na naman siya sa kaka-stupid niya. Palibhasa kasi boyfriend niya lang si Keith James Ongtangco. Ang hearthrob ng school, in short sakit sa puso ng halos lahat ng kababaihan dito maliban sa akin dahil; Una, Taken na ako at ang puso ko; Pangalawa, para sa akin ay napakayabang niya; at kahuli-hulihan kung bakit mainit dugo ko sa kanya, Siya lang naman kasi ang may pakana kung bakit itinuturing na outcast dito sa University si Reginald. Insecure lang kasi siya.

Ewan ko ba kung anong nakita ng mga bulag na mga babaeng iyon sa kanya, kasama na si Marie kung bakit sila nagkakandarapa sa kanya kasi kung tutuusin mayaman lang naman yung pamilya nila, maputi lang siya at photogenic kaya nakuha siyang model ng isang cheap na brand ng mga damit. Atsaka kung hindi alagang Camera 360, Alagang Retrica yan.

Tapos kung alam ko lang pinaglalaruan niya lang yung Best Friend ko tapos ito namang Best Friend ko ayaw pang ipaalam na "In a Relationship" sila kaya ayun, grabe ang paglandi sa ibang babae kala mo mauubusan.

Hard na kung hard ako sa paglalarawan sa kanya pero iyon lang naman ang totoo at ganti ko na rin iyon sa paninira at pagpapahirap na ginagawa niya kay Reginald.

"First of all, He's not stupid. Second, I didn't ditched it because I'm just searching my inspiration so I can start my day right." Which is true. "How about you? Why are you here?"

"Our teacher sent me out just to find you and bring you to his class. Dead or alive."

That made me Laugh. Honestly speaking, hindi na ako pumapasok sa klase ni Sir Ed dahil sa boring iyon at dahil sa hobby ko na ito. At sa tingin ko, katulad ng nakasanayan hindi ako papasok sa klase niya dahil sa hindi ko pa nahahanap ang lalaking kukumpleto sa araw ko.

"Just tell him I'm not on my mood to attend his boring class and I'm still busy searching for my Crush."

"As expected from The Hard-headed Hopeless Romantic Ms. Cutting." I just chuckled. "But I'm sure, you'll come with me especially when I tell you that I know where we can find your stupid crush."

"Really?" I said with sparkling eyes. Promise, palalagpasin ko yung pagtawag niyang stupid kay Reginald. Sabihin niya lang kung nasaan siya.

Hinila niya na ako papunta sa building namin at doon nakita kong nagkaklase sila Reginald sa may garden namin na ngayon lang nangyari dahil sa med-tech ang course niya at magkaiba kami ng building dahil Fine Arts ang kinukuha ko. Magkakaiba kasi ng building ang mga course dito based sa type. For example, Arts building para sa mga estudyanteng kumukuha ng mga kursong may kinalaman doon, Medicine building, Engineering building etc.

CRUSHWhere stories live. Discover now