Chapter Six - Torment

450 10 4
  • Dedicated to Estela Maryz Filoteo
                                    

Chapter Six - Torment

Nakipagkita ako kay Reginald sa may garden. Nabasa ko kasi yung text niya na nagsasabing pumunta daw ako roon at may sasabihin siyang importante. Pagkarating ko sa garden ay nakita ko siyang nakaupo sa may upuan doon. Masaya ko siyang nilapitan.

"Hi." Bati ko sa kanya pagkaupo ko sa tabi niya.

"Reika may sasabihin ako sa iyo." Seryoso niyang sabi. "Huwag ka sanang magagalit."

Nagulat ako nang lumuhod siya sa harapan ko. Ano bang ginagawa niya? Nagpo-propose na ba siya sa akin? Biglang bumilis yung tibok ng puso ko at kinabahan. Dahil din sa pagluhod niya ay maraming estudyanteng nagsipaglapitan sa amin upang maki-usyoso.

"Reika, I-"

"Reginald hindi pa pwede ito. Hindi pa ako handa." Sabi ko sa kanya na ipinagtaka niya.

Ang bilis naman niya. Isang Linggo palang kaming mag-on pero kasal na agad yung gusto niya. Ganoon na ba siya katakot na baka mawala ako sa kanya? O Ganoon niya ako kamahal? Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Naguguluhan na rin ako. Hindi ko kasi nakitang mangyayari agad ito.

"But-"

"Masyado pang maaga."

Ano na lang sasabihin nila Mama at Papa? Hindi ko pa siya naipapakilala sa kanila tapos malalaman na lang nila na ikakasal na ako? Atsaka wala pa ako sa legal age. Paano kami magpapakasal? O after graduation na lang namin?

"Reik-"

Gulong-gulo na ako pero isa lang naman ang gusto ko, ang maikasal sa kanya. Saka na lang namin iintindihin yung ibang bagay. 

"Pero kung ipagpipilitan mo ayos lang. Ganoon kita kamaha-"

"Reika What are you talking about?!" Sigaw niya sa akin na ikinagulat ko at doon ko lang napansin na nakatayo na pala siya.

"You're currently proposing to me right?" Sabi ko gamit ang mababang boses. Nakakatakot pala siya kapag sumisigaw.

Pagkasabi ko niyon ay bigla siyang natawa na ipinagtaka ko. Bakit? May mali ba sa sinabi ko? Hindi ba ganoon naman kapag nagpo-propose yung lalaki? Lumuluhod?

"I can't believe that you really assumed that I'm proposing to you right now? You're so gullible Reika! I don't even loved you! In fact, kinakaawaan lang kita kaya ako pumayag na maging boyfriend mo. Mukha ka na kasing tuta na hahabol-habol sa akin."

Halos madurog yung puso ko nang marinig ko iyon. Pero bakit? May ginawa ba akong masama sa kanya? Wala naman akong hinangad kung 'di ang mapasaya siya? Pero bakit ganoon? Bakit sinasaktan niya ako ngayon? 

Ganoon na nga ba talaga ako kahibang at katanga pagdating sa kanya? Siguro nga tama siya, mukha na akong tuta. Pero maaari ring mahal niya ako hindi ba? O binibiro niya lang ako kasi nabuking ko siya agad na  nagpo-propose siya sa akin?

"A..anong ibig mong sabihin?" Tanong ko habang nagpipigil sa mga luha kong gusto nang bumagsak . Napakaraming tao sa paligid namin atsaka baka binibiro niya lang talaga ako. 

"I. Don't. Love. You. And. I.Just.Pity.You.Dimwit. Now you Understand?"

Doon na nagbagsakan yung mga luha ko. Mukhang seryoso nga siya. Ang tanga-tanga ko talaga. Bakit umasa pa ako na binibiro niya lang ako? Bakit nga ba hindi ko napansin ito? Alam ko na, masyado kasi akong nagpakatanga sa kanya where in fact alam ko naman at hindi ko nararamdaman na minahal niya ako. 

Hindi ko nga naramdaman yung effort niya, yung pagiging romantic niya na nakikita ko sa mga Palabas. Bakit ba kasi nagiging bulag at bingi pagdating sa kanya? Bakit ba kasi napaka-optimistic ko na kesyo ganyan kaya di ko maramdaman yung ganoon. Maybe tama nga siya, I am really a dimwitted person.

CRUSHWhere stories live. Discover now