Chapter Ten - Revelations

376 9 3
                                    

Chapter Ten - Revelations

"Keith?!"

Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Habang ako naman ay nakatingin kay Reginald at halatang naguguluhan. Pati ako kinakabahan. Hindi alam ni Keith itong ginagawa kong pagpapanggap at baka sabihin niyang niloloko ko siya.

"What happened to you Reika? Hindi mo ba alam kung gaano mo ako pinagalala? I thought you'll leave me."

Hindi pa rin ako makapagsalita dahil nahihiya ako sa kanya, kay Reginald at sa lahat ng kamag-anak nila dito. Tingin ko sa sarili ko parang napakadumi. Gumagawa ako ng eskandalo sa family reunion nila.

"So you're also here Step Brother?"

Step Brother? Tiningnan ko si Keith na nakatingin kay Reginald. Step Brother niya si Reginald? Pa...paano nangyari iyon?

"Bakit? Bawal na ba akong pumunta dito?"

Halatang may namumuong tensyon sa kanilang dalawa. Si Keith nagagalit na samantalang si Reginald kalmado lang pero halatang nagpipigil ng galit.

"No, I'm just asking because sometimes you need to know the right place for you." Niyaya ko nang umalis si Keith dahil nahihiya na talaga ako. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito. Pero imbes na pumayag siya ay pinigilan niya pa ako.

"Oh I forgot, Sorry for being rude. Step Brother, this is Reika, the girl whom you hurt before and Reika, this is Reginald, the bastard whom you love before." Nababaliw na ba itong si Keith? Anong ginagawa niya? "Reika you're being rude. Don't be shy. Show your face and let him know that he's not the loss here."

Halatang nagulat si Reginald sa sinabi ni Keith. Ginawa ko yung pinapagawa ni Keith dahil ayaw ko siyang mapahiya kahit na nahihiya ako at natatapakan ko na yung pride ko.

I know he has a good reason and maybe this is what he wanted all along. To conquer all the ghost of my past and face them and show them how good my life is right now with him. But I know, deep in my heart, I'm not happy. In fact, nasasaktan ako.

"Pinaglalaruan niyo lang ba ako? May amnesia ka ba talaga?" Tanong niya habang nakatingin sa akin.

"Amnesia? Ni hindi nga niya makalimutan yung kagaguhang ginawa mo noon." Sabat ni Keith.

"I'm not talking to you." Sabi ni Reginald na halata sa tono niya ay naiinis na siya."Pero talaga? Ikaw ba? Hindi ka pa rin ba nakokonsensya ngayon?"

Akmang susuntukin na ni Keith si Reginald pero pumagitna ako sa kanila. Hindi ko man maintindihan kung anong pinag-aawayan nila pero responsibilidad ko pa rin na pigilan sila. Dahil in the first place, ako naman ang may dahilan ng lahat ng ito. Gagawa pa sila ng eksena dito. 

"Ano ba?! Tumigil na nga kayo. Hindi na kayo nahiya. Pinagtitinginan na kayo ng mga tao." Sabi ko at hinila ko na si Keith para umalis. Pero kakatalikod pa lamang namin, 

"I'm still asking you a question Ms. Santos." Natigilan ako nang tawagin niya ako sa surname ko. "You're being rude."

Rude? Ako pa ngayon? Ako na nga lang yung pumipigil sa kanila at umiiwas para wala nang masaktan na iba. Kahit ako na lang. Akala niya siya lang yung nasasaktan, pwes ako din. Mas doble o triple pa sa nararamdaman niya.

Mahal ko siya pero hindi pwede dahil may masasaktan ako at alam ko ring hindi ako karapat-dapat para sa kanya kaya mas pipiliin ko na lang na lumayo, magsakripisyo at saktan siya. Kahit alam kong maaari kong pagsisihan ang mga ito sa huli dahil sinayang ko yung pangalawang pagkakatao na ibinigay sa akin ng tadhana.

"Then fine. You want an answer? Yes, I'm just playing with you dimwit. So do you really assumed that I love you? That will never happened" Ipinakita ko yung engagement ring namin ni Keith na nakita niya noon. "I'm already engaged to Keith. Kinaawaan lang kita. Para ka na kasing tuta na hahabol-habol sa amo niya. Napakadesperado mo." Naiinis kong sabi pero deep inside, napakasakit sa puso ko. Parang aatakihin na yata ako.

"Really? Masaya ka na ba?" Tanong niya habang nakangiti ng malungkot at mababakas mo sa mga mata nito ang mga luha na malapit ng mahulog.

"Oo. Sobrang Saya."

Na gusto ko nang umiyak at magpalamon sa lupa. Ganoon ako kasaya.

"Good to know. Anyway, thank you for playing with me. Atleast I already know how much pain I've caused you."

Nararamdaman ko nang nangingilid yung mga luha ko. Hindi pwede Reika. Magpigil ka muna ng luha. Kahit sa hotel ka na magdamag umiyak.

"Thank you for being a good player too." Tumalikod na kami ni Keith dahil nagsipagbagsakan na yung mga luha ko. "We're done here Keith. Let's go."

Hinila ko na siya papunta sa sasakyan niya. Habang nasa biyahe ay umiiyak ako hanggang makarating kami sa Hotel. Siguro nga ganoon ko siya kamahal para palayain siya kahit hindi niya hinihiling kasi alam kong iyon ang makakabuti para sa aming lahat, Kahit pareho kaming masasaktan kasi kapag ipinagpatuloy pa namin iyon, may mas masasaktan na hindi dapat masaktan at si Keith iyon.

Si Keith na kahit kailan hindi ako iniwan at hanggang ngayon ay pinapagaan ang loob ko kahit na nakita niya kaming magkasama ni Reginald kanina.

"Keith I'm sorry. I'm really really sorry."

"Shsss. I understand why you did it." Sabi niya."You still love him?"

Hindi ko makita kung naiinis siya o nagagalit o kung anong ekspresyon niya dahil nakayakap ako sa kanya. Kung dati kaya kong sabihin na hindi, pwes ngayon hindi na dahil hindi ko na kayang magsinungaling at magpanggap pa dahil nasasaktan na ako ng sobra. Alam kong mahal na mahal ko pa rin siya pero ayaw kong malaman niya iyon kaya hindi ko na lang sinagot yung tanong niya.

Sana lang huwag akong ubusin ng konsensya ko at gawing baliw kakapaalala ng malungkot na mukha ni Reginald. Sana lang ay makalimutan ko na iyon at maibaon na ng tuluyan sa limot.

CRUSHWhere stories live. Discover now