Chapter Five - Seventh Heaven

422 9 2
                                    

Chapter Five - Seventh Heaven

"Marie sabihin mong hindi panaginip yung nangyari kagabi!" Gising ko sa kanya.

Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako makapaniwala na yakap-yakap ko si Reginald kagabi at hinalikan at niyaya niya pa akong lumabas ngayon.

"Hindi." Naiirita niyang sabi. "Sirain mo ba naman ang tulog ko kagabi at halos makabulabog ka ng buong floor para lang sabihin na niyaya kang makipag-date ni Reginald. Paano magiging panaginip iyon?" Napangiti lang ako.

"Sabagay pero Marie pwede favor?"

Gusto ko kasing maging maganda sa unang date namin pero wala naman akong alam sa pagpapaganda kasi akala ko matagal pa mangyayari ito.

"Oo na. Just give me a sec. I'll be your instant Fairy Grand Mother." Sabi niya habang nakapikit.

"Waaah. Ang bait-bait mo talaga Marie." Sigaw ko sa kanya habang niyayakap siya.

Makalipas ang ilang minutong pangungulit sa kanya ay inayusan na niya rin ako. Buti na lang talaga may Best Friend akong make-up artist, hair dresser and fashionista. All in one.

"Bakit kaya biglang nagbago pakikitungo sa iyo ni Reginald? Ginayuma mo, ano?"

"Baliw. Hindi naman ako ganoon kadesperada."

"Weh? Kaya pala nilagyan mo ng kung anu-ano yung inumin niya noon na naging sanhi ng pagkakaroon niya ng Diarrhea. Magkagusto lang sa iyo at hindi ka pa nakuntento. Gusto mo pa yata magkaroon ng Round Two kung hindi lang kita pinigilan." Actually desperadang-desperada na talaga ako noon. Pumunta kami ng Quiapo para lang bumili ng mga gayuma. Napagalitan nga rin ako nila Mama dahil doon.

"Oo na. Pero grabe talaga kagabi nung halikan niya ako." Bigla siyang natigilan nung sinabi ko iyon.

"Hinalikan ka niya?"

"Oo. May problema ba?" Tanong ko dahil nagtaka ako sa reaksyon niya pero nagbago naman agad yung facial expression niya. Siguro nagulat lang siya.

"Wala. Sige ipagpatuloy mo lang."

"Tapos kabadong-kabado ako kagabi. Halos matunaw ako at matae. Ganun ba talaga feeling noon? o wrong timing lang talaga yung tiyan ko?"

"Baliw ka talaga. Butterflies in stomach iyon. Nararamdaman mo iyon kapag kilig na kilig ka." Sabi niya habang tumatawa.

Lumipas ang isang oras ay natapos na niya akong ayusan. Habang wala pa si Reginald ay nagtanong-tanong muna ako sa kanya kung ano yung mga bagay na dapat kong gawin o hindi gawin sa isang date.

Biglang tumunog yung telepono ng room namin. Malamang nariyan na siya kaya lumabas na ako agad ng kwarto at tumakbo pababa. Noong nasa first floor na ako ay inayos ko na yung sarili ko at ikinalma yung sarili ko. Kailangang Maria Clara pa rin ako.

Habang naglalakad ay may biglang humila sa akin sa gilid. Nagulat ako nang makita ko si Frenemy. Tinanong ko siya kung bakit niya ako hinila pero tinitigan niya lang ako at hindi pinansin kaya napilitan akong pitikin yung noo niya nang magising siya sa katotohanan.

"Aww. What gave you the right to hurt me?" Naiinis niyang tanong.

"Hindi mo kasi ako pinapansin. Bakit mo ba ako hinila?"

"Listen to me Reika. Don't let Reginald trick you. Sasaktan ka lang niya at huwag kang makinig sa mga sinasabi niya." Seryoso niyang sabi pero hindi ko siya maintindihan.

Atsaka ang bilis naman kumalat nung sa amin ni Reginald? Paano niya nalaman iyon samantalang kagabi lang nangyari iyon at wala naman kaming pasok ngayon.

"Wait. Sinisiraan mo ba siya?"

"No. I'm telling the truth."

Mukha siyang nagsasabi ng totoo pero bakit ganoon? Parang ayaw kong maniwala? Ayaw ko siyang paniwalaan?

"Bakit mo sinasabi sa akin ito where in fact alam mong hindi kita papaniwalaan?"

Nagulat ako nang halikan niya ako. Lumayo ako agad sa kanya at sinampal ko siya. Ano bang ginagawa niya? Paano kapag may nakakita sa amin at sabihin kay Marie?

"Mahal kita Reika! Mahal na mahal. Unang kita ko pa lang sa iyo noong muntik ka nang masagasaan nagustuhan na kita kaagad! Bakit hindi mo ba maramdaman yung pagmamahal ko sa iyo?!"

Nagulat ako sa sinabi niya. Ako? Mahal niya? Impossible. At ano yung sinasabing muntik na masagasaan? Si Reginald kaya yung nagligtas sa akin. Tinawanan ko na lang siya. Iisipin ko na lang na hindi niya ako hinalikan at nakainom lang siya.

"Nakakatawang biro Frenemy. Pero mauuna na ako kasi may Date pa ako. Nasa itaas si Marie kung gusto mo ng may nabibiro." Sabi ko sa kanya at umalis na doon.

Bakit ganito nararamdaman ko? Totoo kaya yung sinasabi niya? O hindi? Hindi ko alam kung pinapaniwala ko yung sarili ko sa kasinungalingan o sa katotohanan.

"Are you okay?"

Nagulat ako nang may humawak sa braso ko. Si Reginald pala. Siguro lutang na lutang na naman ako. Si Keith kasi. Wala na ngang magandang sinasabi, pinapagulo niya pa yung utak kong nanahimik at masaya dahil kay Reginald.

"Oo naman."

"Okay. Then let's go." Sabi niya at naglakad na kami paalis doon.

Susubukan ko munang kalimutan si Keith at yung mga sinabi niya. I'll deal with it later o kahit hindi na dahil baka wala lang ako mapala. I'll never let him ruin my mood which is currently in Seventh Heaven because of Reginald. I'll definitely enjoy our date.

--x

Author's Note: Hello po! I dedicate this chapter to Ate JM (Justmainey) for being a good mentor and for being a good friend. hihihi. Hello po ate JM pasensya na po sa pagpapasakit ko sa ulo niyo kapag magpapa-check po ako sa inyo ng entry dati. Hahaha xD Salamat din po sa lahat kasi marami po akong natutunan sa inyo :) Good luck po sa contest niyo ngayon. Kaya niyo po iyan :) God Bless.

P.S. Guys basahin niyo po yung Ab Initio, entry niya po yun sa isang contest. Just check click the external link. Thank you po :) I'm sure magugustuhan niyo siya lalo na yung mga mahilig sa paranormal and mystery/thriller. 

CRUSHNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ