Chapter 1 - Beginning

9.8K 190 14
                                    

Pinindot ko ang doorbell, mga ilang sandali ay bumukas rin ang pinto.

"Aayy!"

Napatalon ang kaibigan kong si Shany. Her full name is Shany Ilz Grance.

"Kukunin mo na ba ako?"

Napaikot mata naman ako. Ganito na ba ako kapangit ngayon? Hindi lang ngayon, dati na.

"Sa Hell ba? Wag naman sana... pero bakit ganyan ang mukha mo bilang anghel?"

I rolled my eyes again.

"Ano bang nagawa kong masama? Sabihin mo sakin! Bakit sa impyerno ako mapupunta? Lord! Wag naman ganito!"

"Stop it!"

Napabalikwas naman siya.

"G-galit ka ba sakin? Hala! Sorry po anghel ng impyerno."

Napangunot noo ako.

"Shany... ako to."

nanlaki mga mata niya.

"Serena?"

"Ay hindi, ako si Pokwang!"

Napaikot ko na lang mata ko, matatanggal na itong mata ko sa kaiikot-ikot nito.

"Hala! Hi Pokwang!"

"Aray!"

Binatukan ko nga!

"Joke lang! Anong nangyari sayo? Bakit ganyang ang... mukha... mo?"

Sabi niya habang tinitingnan ang mukha ko na para bang nandidiri.

"Obvious ba?"

Napatawa naman siya.

"O sige, pasok ka na."

Pumasok naman at umupo sa sofa.

"Kukuha lang ako ng maiinom mo."

Tumango ako at umalis na siya.

Hindi ko malimot-limutan kung paano siya nakipag-break sakin... b-bakit kaya niya naisip iyon? Bakit niya kailangang manloko para lang sa pera? At ako pa talaga ang tinarget niya? Wow naman! Nakakahiya naman sakanya.

Napaiyak na naman ako.

"Bes.. ito na ang... maiinom... mo..."

Pahina ng pahina habang ito'y kanyang sinasabi. Nilapag niya ang baso sa mesa at umupo sa tabi ko. Mas lalo akong napaiyak nang niyakap niya ako.

"Shhh... ilabas mo lang yan, andito naman ako."

"WAAAAHH!"

Naramdaman kong nagulat siya.

"Bes... ang OA naman yata."

Napatawa na lang ako. Lumayo naman ako sa kanya.

"Ano palang nangyari sa inyong dalawa? Akala ko ba hindi ka na niya lolokohin? Isipin mo isang taon na kayo pero lahat iyon ay hindi niya sinoryoso."

Napangiti ako ng mapait at napansin rin niya iyon kaya napangiwi siya.

"Sorry, I didn't mean to..."

I smiled at her.

"No, it's okay, totoo naman eh."

So, ayun kinuwento ko na lahat sa kanya.

_.•.•.•.•.•.•.•._

Gabi na, kaya sinabi ko na sa kanya na uuwi na ako pero may tumawag sa akin na ayaw ko talagang makausap muna ngayon-

Mafia Princess: BLACKWhere stories live. Discover now