Chapter 26 - Duwag

2.2K 81 0
                                    

"Serena..."

"Ummm..."

Napamulat naman siya at tumingin sakin kaya nginitian ko siya.

"Gusto mo bang pumasok ngayon?"

Nanlaki mga mata niya. Nagulat na lang ako ng bigla siyang umupo at tiningnan ako.

"I-ilang days na ba akong hindi pumapasok?"

Napalunok ako, sigurado akong magwawala itong batang to.

"A-ahh... maghahanda na muna ako ng pagkain natin ah?"

Aalis na sana ako pero hinawakan niya kamay ko.

"Sagutin mo muna ako."

Napakamot naman ako sa batok ko.

Pano ba yan? Mukhang wala akong magagawa kundi sabihin sakanya ang totoo.

"Ah... kasi ano-"

"GOOD MORNING SISTAS!!!"

Napatigil kami at napatingin kay Blaine, yung totoo... lalaki ba siya o bakla?? Oh well, atleast naligtas niya ako.

"Blaine... sinong may sabi sayo na pwede kang pumasok sa kwarto ko?"

"Umm... ako?"

Sabay turo niya sa sarili niya.

Nangunot-noo ko.

"LABAAAS!!"

"Hey, calm down ma girl, alam kong gwapo ako kaya hindi na kailangang sumigaw."

Anong konek?

"Paano mo nalaman password ko?! Nisu-stalk mo ba ako?!"

"Ako isu-stalk ka? Ha! Hindi ka paniniwala!"

"Eh bakit mo nalaman password ko?!"

"Ehh... kasi... gwapo ako?"

"Hindi ka gwapo-"

"PWEDE BA?! TUMIGIL KAYO! KUNG MAKAPAGAWAY KAYO PARANG WALA AKO DITO AH!"

Nagkatinginan kami ni Blaine at napakamot sa batok.

"AT AKO ANG UNANG NAGTANONG!ILANG DAYS NA BA AKONG HINDI PUMAPASOK?!"

"Ahh... tungkol jan... ano kasi-"

"Ha! 3 days ka ng hindi pumapasok! Hahaha... sigurado akong liliit yang grade mo bwahahaha! Ako na ang magiging valedictorian... bwahahaha!"

Napasapo naman ako sa noo. Blaine talaga oh! Paktay tayo nito.

"T-tree days?"

"Uhh.. Serena... I believe hindi siya tree kundi three-sabi ko nga tree siya."

Yumuko na lang ako... kasi tiningnan niya ako na parang iiyak na ng malakas.

"BWAHAHA-ARAY NAMAN ATE!"

Binatukan ko, mangaasar nanaman! Iiyak na yan si Serena eh.

Tiningnan ko si Serena at ngumiti.

"Wag kang magalala Serena, na-excuse ka naman eh."

"T-talaga?"

Tumango ako habang nakangiti.

"Oo nama-"

"Hindi kaya! Eh, na-minus-sabi ko wala! Ano ka ba Blaine! Ang pasaway-pasaway mo!"

Tiningnan ko siya ng masama at tumingin ulit kay Serena.

"Halika, kain na tayo baka ma-late ka pa-"

"Late na late na nga-"

"ANO BA?! TUMIGIL KA NGA! LABAS! MAGHANDA KA NA RIN! GO! LABAS! SHOO!"

"Ma'am yes ma'am!"

Sabay takbo niya palabas.

Napailing naman ako, talaga naman oh.

_.•.•.•.•.•.•.•._

"Look who's back, the ugly nerd, alam mo bang andami mo ng na-miss na mga activities?"

I rolled my eyes. Si hipon na naman.

"What do you want?!"

Galit na tanong ko sakanya.

Nag-smile siya tapos nagkibit-balikat.

"Nothing... just talking to you, masama ba yun?"

I rolled my eyes at her again. Mukha nga niya masama na.

"Just leave us alone Ondy."

Sabi ni Blaine at hinila na si Serena at umalis na sila.

Binalik ko tingin kay Kathy, tinaasan niya ako ng kilay kaya lumapit ako sakanya, as in malapit talaga at may binulong ako.

"Try hurting Serena, I'll make sure that you'll shower at your own blood."

Bulong ko at lumayo na sakanya na pumuti ang mukha nito na nagpangisi sakin at umalis na ako.

Duwag talaga.

Mafia Princess: BLACKWhere stories live. Discover now