Chapter 38 - Stop

1.6K 45 0
                                    

This chapter is dedicated to @Jinxxx0 & @gomezkathlyn_13
[cheesy po yung title >.< sorry~]

^•..•^*^•..•^*^•..•^

Rav's POv.

"Blaine! Na-miss talaga kita!"

Tumawa naman ang loko at tumingin sakin bago binalik ang tingin kay Serena.

"Namiss rin kita, ano? Punta na ba tayo doon?"

Humiwalay naman sakanya si Serena.

"Saan?"

"Sa Timezone."

Nangunot ang noo ko, kailan pa nagustuhan ni Serena ang timezone? At ako ang kasama niya ah! Bwisit!

"Sure!"

Napatingin ako kay Serena, seryoso siya? Humarap siya sakin at ngumiti.

"Mauna muna ako ha? Kaya mo naman sarili mo."

Kumurap-kurap ako. Totoo? Puta naman oh!

"S-sasama ka sakanya?"

Tanong ko at tumingin kay Blaine na nakangisi sakin ngayon.

"Oo, masama ba?"

"H-ha? H-hindi naman, kaso..."

Binalik ko ang tingin ko kay Serena, ngumiti naman siya at inakbayan si Blaine.

"Yun naman pala eh! Halika na Blaine! Sige bye Rav."

Napakamao ako, bwisit! Susundan ko nalang sila!

"Sir, hindi po pa kayo nakabayad."

Tumingin ako sa isang waiter, napalunok naman siya. Kumuha akong 1,000 at itinapon sakanya.

"Ayan! Keep the change!"

"Pero po sir-"

"Ako ang nagbabayad kaya kapag sinabi kong keep the change, keep it!"

Sigaw ko at lumabas na. Nagdadabog na sumakay ako sa kotse at pinaandar ko bago ako umalis. Sira na araw ko.

Blaine's POv.

"Saan ba talaga tayo pupunta?"

Napakamot naman ako sa aking pisngi.

"Ha? A-ah... basta."

Naningkit naman mata niya.

"Hmm... fine! Wag mo nang sabihin!"

Errrr... pinagpapawisan na talaga ako, hindi ko naman ito gusto pero... pero... si ate kasi eh! Sabi niya dalhin ko daw siya sa... sa... eh! Basta! Bahala na nga!

_.•.•.•.•.•.•._

"Andito na tayo."

Tinanggal ko ang seatbelt ko at bumaba at umikot papunta sa kabilang pinto. Bubuksan ko na sana pero nauna na si Serena at bumaba. Napabuntong-hininga na lang ako.

"Asan ba kasi tayo?"

Hindi ako sumagot at tiningnan lang siya ng seryoso.

"Follow me."

Sabi ko at hinawakan ang kamay niya bago ko siyang hinila.

"Here we are."

Tiningan naman ako ni Serena at tinaasan ako ng kilay.

Mafia Princess: BLACKWhere stories live. Discover now