Chapter 32 - I'm Sorry

2.2K 72 0
                                    

Serena's POv.

"What are you doing?"

Napatingala naman ako at nakita ko ang iisang nilalang na laging mayroong seryosong mukha.

"Hindi PO ba obvious?"

Nangunot-noo niya. Ikaw ba naman gamitan ng PO, eh hindi ka naman matanda.

"Stop using po... anyways, anong dino-drawing mo?"

"Kaninong mukha ba ito, KUYA?"

He rolled his eyes kaya napangisi ako.

"Nasaan si ate Shany?"

Nagkibit-balikat lang siya at umupo sa tabi ko. Ahh... gets ko na.

"Bakit ka nasa labas?"

Pinaikot ko rin yun mata ko, he's changing the topic. Oh well, hindi ko dapat siya pilitin.

"Pinalabas ako ng professor ko."

Nanlalaking matang tiningnan niya ako.

"Bakit?"

-__-

Ano ba yan! Tanong ng tanong!

"Alam mo kuya, tanong ka ng tanong! Eh kung alamin mo kaya!"

Napatawa siya, guguluhin na sana niya buhok ko...

"Subukan mo lang, puputulin ko talaga yang kamay mo!"

Namutla naman siya bigla at umupo na ng maayos.

"SERENA!"

Napatingin kami sa sumigaw. Nandilim ang mukha ni kuya ng makita niya kung sino ang tumawag sakin...

....

....

....

....

....

....

....

Rav.

Tumayo si kuya kaya napatayo na rin ako.

"Anong kailangan mo?"

Napatingin naman sakanya si Rav at bumuntong-hininga siya.

"I just want to talk to Serena."

"At bakit naman ako maniniwala?"

Tumingin sakin si Rav na parang nagmamakaawa. Bumuntong-hininga ako...

"Let him talk to me."

Napatingin sakin si kuya.

"Nagbibiro ka ba? You will let him talk to you? Alam mo namang sinaktan ka niyang lalaking yan! Pero you just treat him like a friend-"

"Who told you that I treat him like a friend? Tanga ka ba kuya? I want him to talk to me para maintindihan ko kung bakit niya yun ginawa!"

Nanigas naman siya at nakatingin lang sakin.

"Please kuya... just... just give this to me! Just let me understand."

Nakatingin pa rin siya sakin at maya-maya ay bumuntong-hininga siya at tumango.

"Fine, alam mo namang hindi kita matiis."

Napangiti ako kaya ngumiti rin siya.

"Just call me if something comes up."

Mafia Princess: BLACKWhere stories live. Discover now