Chapter 3 - Fight Them!

6.7K 148 9
                                    

"Why are you late Ms.Qentiva and Mr.Curt?"

Napayuko lang ako, wala akong masabi, kasi naman si Blaine.

"Ma'am kasi po... Si Rav."

Tumingin lahat ng mga kaklase ko kay Rav pati na rin yung professor namin.

"Wag mo akong dinadamay sa problema ninyo Curt!"

Nakita kong umangat ang kilay niya.

"Then... sino pala ang nag-abuso kay Serena? Ha? Tell me, Ako ba? Stop being so stupid Wekos, because you already are."

Napasinghal ako at napatakip ng bibig. Grabe, ang ganda ng linya. Bagay talaga kay Rav.

"Professor, let me ask you something."

"What is it?"

"Was Wekos late?"

Nanlaki mga mata ko, bakit ba ang talino-talino niya?

"Yes, actually 30 minutes late and you are 33 minutes late."

"Oh, see? Professor, I have an evidence. 30 minutes and 33 minutes. Hindi ka ba na-ki-curious?"

"Umm, actually..."

"30 minutes is the exact minutes when Rav and his HONEY bullied Serena, the remaining 3 minutes is the minutes when we talked."

"Then why are you with her?"

"Because... I saved her from the bully."

Napaisip-isip naman ang professor namin habang ako naman ay pinagpapawisan na.

"You can go inside. Wekos, go to guidance with Kathy."

"WHAT?! NO!"

"No? Then you are suspended within 2 weeks and a deduction... with Kathy."

"WHA?! FINE!"

Kinuha niya ang bag niya at umalis pero bigla siyang huminto sa harapan namin.

"I will kill you."

"Try me."

Napadikit kilay naman ako sa mga sinabi nila. I mean, what the hell? Kill? Umalis na rin si Rav at umupo na rin kami sa upuan namin. Actually, magkatabi kaming tatlo.

Ako/Blaine/Rav/C1/C2. We are a 1st year collage. Nag-discuss na ulit yung professor namin.

_.•.•.•.•.•.•.•._

Andito kami sa cafeteria.

"Serena, dito!"

Napatingin ako sa sa babaeng tumawag sakin. Napangiti naman ako.

"Shany!"

Bati ko at lumapit sa kanila ni kuya. Napatingin silang dalawa kay Blaine.

"Ah, kuya si-"

"Blaine? Dude, long time no see!"

Wait, magkakilala na sila?

"Ken, where have you been bro?"

"I was working on something. It's been a week since I last saw you."

Blaine chuckled.

"Wait, wait, gaano na kayo katagal magkakilala?"

Tanong ko kaya nagkatinginan silang dalawa.

"Umm... since I was on highschool."

"Oh, okay."

My brother's name is Kenneth Troy Xyler. Yes, magkaiba kami ng apilyedo, kaya nga nagtataka ako. I asked him once, but he said that he will explain it to me once I'm way older.

Umupo kaming magkatabi ni Blaine at si kuya naman at Shany.

"Hi, sl**!"

Napatingin ako sa babae. Nakatingin rin siya sakin. Wait, ako ba ang tinawag niyang sl**?

"I thought you were suspended with Rav?"

Tanong ni Blaine.

"Oh, we went to the guidance. That's why, dapat nga hindi kami ang na-guidance, dapat yung isa jan."

Napatayo naman si kuya.

"Don't mess with her, Tera!"

Umangat naman ang kilay niya.

"Ah, so dalawa na ang nilalandi mo Qentiva."

Sabi niya at ngumisi, susugurin na sana ni kuya pero pinigilan ko siya at ako ang tumayo.

"Lumipat na lang tayo ng table."

Sabi ko at umalis na sa table namin.

"Kinakausap kita!"

"Aray!"

Hinila niya yung buhok ko, napaiyak ako at tumingin sa kanya.

"Sige... sasagutin kita. Dalawa nga ang nilalandi ko pero yung sayo, billion. Ano? okay na ba?"

Sarkastikong tanong ko. Napatingin naman ako sa gilid nang sinampal niya ako.

Aray ah, sampal lang yun pero ang sakit.

"What's happening here?!"

Napatingin lahat ng students sa principal.

"Kathy, anong nangyari?"

"Ito kasing babae, sinampal ako."

Nanlaki mga mata ko, grabe! Ako pa talaga ang sinisi. Napatingin naman ang principal sa akin. Nangunot noo niya nang makita ang pisingi kong pulang pula na naka-print pa ang kamay ni Kathy.

"Ahm... ikaw ba ang nanampal?"

Nanlaki mga mata ni Kathy.

"H-hindi ah, ni-paintan lang yang kamay na yan."

"Satingin mo ba maloloko mo ako? Punta ka sa guidance, pangatlo mo na ito."

Wait, what? Pangatlo?

"ANO?! I hate being there!"

"And so? Ikaw ang may kasalanan, kaya wag kang magreklamo!"

Kathy groaned at umalis, nang makaalis siya ay binalik ng principal ang tingin niya sa akin.

"Are you okay Ms.Qentiva? Sa susunod kasi... wag kang magpaapi."

Tumango naman ako.

"Y-Yes Ma'am. Thank you."

"No need, it's my job."

Tumango ulit ako.

Nagulat ako nang may yumakap sakin.

"Don't be weak my sister, fight them."

Mafia Princess: BLACKWhere stories live. Discover now