Chapter 6 - My Voice!

5.4K 112 19
                                    

Serena's POv.

It's been 2 days pero hindi pa rin gumigising si kuya.

"Hay, kailan ba siya gigising ha?"

Tanong ko. Napatingin sakin si Shany na umiinom ngayon.

"Kapag matanda na tayo."

Nagunot noo ko sa sinabi ni Shany. Magsasalita sana ako ng...

"Hindi, kapag mamamatay ka na."

Sinamaaan ni Shany si Blaine ng tingin.

"Anong sabi mo?!"

"Ang sabi ko, mamamatay ka na, ngayon!"

Napanganga ako ng binugbog ni Shany si Blaine.

'Sipa'

"Oh!"

'Kurot'

"Aray!"

'Suntok'

"Ack!"

'Sampal'

"Ow!"

Nginisian lang ni Shany si Blaine.

"Sige, isa pa! Ano?! Ha?! Kung makabugbog ka!"

"Sige gusto mo pa? Hali ka!"

Umiling-iling naman sil Blaine, takot lang pala.
Umaatras si Blaine habang si Shany naman ay papalapit sakanya.

"Ano ba Shany! Nagjo-joke lang ako, hehe, wag."

"Sabi mo gusto mo pa!"

"NAGBIBIRO LANG AKO!!!"

Nagulat naman ako sa pagsigaw niya. Napatakip naman siya ng bunganga. Nangunot noo ko.

"Bakla ka ba?"

Nagulat naman siya sa sinabi ni Shany. Nanlaki mata ko ng niyakap niya si Shany.

"Tanggap niyo ba ako?"

Napatawa kami ni Shany. Loko-loko talaga.

"Gusto mo bang mawalan ng kamay?"

Napatigil kami sa pagtawa at sabay tumingin kay kuya.

"KUYA! Gising ka na!"

Sigaw ko at tumakbo papunta sa kaniya.

"Aray! Ano ba Serena?"

"Ay! Sorry!"

Binitawan ko naman siya at ngumiti.

"Ano? Gusto mo bang mawalan ng kamay Blaine?"

Pananakot niya nang ibinalik niya ang tingin kay Blaine. Seloso talaga si kuya.

"H-Ha? A-ano... K-Kasi-"

"BAKIT MO SIYA NIYAKAP?!"

Hala? Galit siya?

"Kuya, ano ka ba? Natatakot na si Blaine! Ganyan ka na ba ka-seloso?"

Mafia Princess: BLACKWhere stories live. Discover now