Chapter 37 - Back

1.8K 50 7
                                    

"Are you alright?"

Tumango lang ako kay kuya. Narinig kong bumuntong-hininga siya.

"Hindi ka ba nasaktan?"

Umiling ako at nginitian siya.

"Sigurado ka ba?"

Tumango ulit ako.

"Sigurado ka talaga-"

"Kuya..."

Napatigil naman siya at napakamot sa kanyang batok.

"Okay lang ako. Wag kang magalala."

"Kaya nga."

Napatingin kami kay ate Shany. I rolled my eyes.

"So... how was it?"

Napataas naman ang kilay ko sa kanyang tanong.

"How was your first mission?"

Napasimangot ako. Like duh! I don't like my first mission. Nakakadiri kasi eh! Tapos may manyak pa akong nakilala.

"Horrible."

Natawa naman sila.

-_____-

Sige, tawa pa.

"Oh."

Nakasimangot na inabot ko sa kanila ang dyamante. Nakangiting inabot ni kuya yun.

"Hindi ba't bad yan?"

Tanong ko. Nakangunot-noong tiningnan niya ako.

"Do you even know what MAFIA means?"

Napasimangot na naman ako. Ang bad niya.

"Illegal ang ginagawa natin Serena. Wag tanga."

Napairap naman ako. Bad talaga siya.

"Paano naman kung hanapin nila tayo?"

Tanong ko na naman. Narinig kong napabuntong-hininga si kuya at tumingin sakin ng seryoso.

"Then, we'll kill them."

Nanlaki mga mata ko. Wee dinga?

"I-try lang nila talaga. Uubusin ko ang pamilya nila, kabwesit."

Napailing naman ako sa sinabi ni ate Shany. Baliw talaga.

"By the way... where's Blaine?"

Nakita kong nanigas sila. Wait, is there sonething wrong?

"Bakit? May nangyari ba sa kanya?"

Umiling-iling sila at ngumiti.

"Nag-vacation lang."

Hmm... parang... parang... naningkit mga mata ko at tiningnan ko sila sa mata.

"Kailan siya babalik?"

Nagkibit-balikat lang sila kaya tumango lang ako.

"K."

Tiningnan ko sila ng sandali bago lumabas.

Parang may mali... sigurado akong may mali talaga. Parang... parang may tinatago sila. If that's so... I'll have to know it myself.

_.•.•.•.•.•.•.•._

"What are you doing here?"

Napantingin ako sa nagsalita...

Red.

Mafia Princess: BLACKWhere stories live. Discover now