Chapter 35 - Skool Eurt

2K 59 0
                                    

"Shany, go inside."

"Roger that."

Pumasok ako at nginitian ang registrar at umupo sa malapit na upuan.

"Wait there, kuha ka ng magazine jan para hindi niya makita mukha mo."

Sinunod ko naman siya at kunwaring nagtitingin ng magazine.

Napatingin ako sa isang babae na kakalabas lang. Got you.

"She's here."

"With?"

"Ken may third eye ba ako? Wala dito si Blaine ok? Baka nasa loob ng office ni Relyn."

"Stop saying her name Shany."

Napangisi ako, palibhasa ex-girlfriend niya. Yes, girlfriend niya dati si Relyn, I don't know why they broke up.

Aaminin ko, oo, nagseselos ako. Eh, ex-girlfriend nga niya!

Tumayo ako at kunwaring kinausap ang registrar.

Napatingin nanaman ako kay Relyn, may kausap siya sa phone. Maybe, that's Blaine.

Lumayo na ako at pinuntahan siya. May kinabit akong tracker with a recorder at kunwaring pumasok sa CR.

"Good, Now find Blaine."

"K."

Narinig kong tumawa siya ng mahina. Naghugas muna ako ng kamay bago lumabas. Wala na siya, naglakad ako papunta sa isang janitor na walang kaalam-alam na kinuha ko ang I.D niya bago pumasok sa elevator.

Pinindot ko ang green button doon at nag-iba ang kulay ng elevator at yung mga floor numbers doon. In fairness, maganda rin.

Pinindot ko ang 5th floor at umandar na papunta sa baba. Yes, sa baba hindi sa taas.

Mga ilang segundo ang lumipas at tumigil na ito. Lumabas na ako pero sinalubong ako ng napakagandang surpresa.

[BANG!]

Iniwasan ko ito at kinuha ang kutsilyo tapos inihagis ko sa sino mang taong nagbaril sakin.

And thankfully, sa ulo natamaan, headslice. ^_^

Lumapit ako doon sa natamaan ko at hinila papunta sa storage room, hindi na magiging maganda kapag may makakita.

Nang maipasok ko na, tumingin ako sa paligid at may nakita nga akong isang CCTV. Nag-smile ako doon at nag-wave bago umalis.

"What the hell did you just do?"

"Umm... nag-wave ako?"

"Damn it Shany! Siguradong may nakakita sayo!"

I rolled my eyes, kung maka-react naman tong lalaking to!

"Spell OA? K-E-N-"

"Shany-"

"Ano ba?! Alam kong may nakakita sakin! FYI, hindi po ako tanga at malamang may makakakita, eh CCTV nga diba? Spell TANGA? K-E-N-"

"Stop it! Continue your mission."

Napataas ang kilay ko, bipolar ba tong taong to? Kanina galit ngayon seryoso, bahala nga siya jan!

Tumakbo na ako at iisa-isa binuksan ang mga pinto.

"Oops... sorry, sige continue niyo na yan."

Sabi ko at nag-wave sa babae at lalaking may ginagawang nakakasuka.

-___-

Did I just say nakakasuka?

Nevermind, walang pakehan ngayon.

Mafia Princess: BLACKWhere stories live. Discover now