Chapter 20 - HQ

2.9K 78 0
                                    

Dumating na kami sa HQ.

Hindi naman nakaklaro na HQ ito sa labas kasi ay hotel siya pero yung totoong part nito ay nasa ilalim na walang nakakaalam kundi kami lang. may mga tao na nasa itaas na nagtatrabaho sa amin, binabantayan nila yun kung may mga kalaban ba o wala. May parking naman para sa HQ kaso nakatago ang entrance doon.

Pumasok na kami at huminto si Blaine sa tapat ng gate.

"Gisingin mo na si Serena, ate. Ako na ang bababa kay Ken."

Tumango ako at kinalabit ko si Serena.

"Serena, gising, andito na tayo."

"Hmmm..."

Dahan-dahang nagmulat siya ng mata at inilibot ang paningin.

"Saan tayo?"

"Basta, baba na tayo."

Kinuha ko naman yung mga plastic ng mga pagkain at siya naman ay yakap-yakap ang kumot niya.

Lumapit ako sa gate at may nag-scan sa amin, umilaw ng green at may lumabas na keyboard para sa password.

Tinype ko nga ang password at bumukas na ito.

Tumingin ako kay Serena na natatakot, ngumiti ako sakanya.

"Halika."

Kinuha ko ang mga dala ko at pumasok kami, sumara na ang gate.

Sumakay kami sa elevator pataas, nasa second to the last itong parking eh.

Pinindot ko ang 7 kung saan doon natutulog ang mga kasama naming mafia.

"Please slide your I.D for check ups."

Kinapa ko yung bulsa ko at nahanap ko nga, kinuha ko yun at ni-slide sa naka-ilaw na puti. Umilaw ito ng green at bumalik sa pagkaputi niyo. Kumunot-noo ko.

"The I.D of the other please."

Tiningnan ko si Serena na nakatingin sakin ngayon, tiningnan ko ang mga mata niya, natatakot siya.

Lumapit ako sa gilid ng elevator tapos may pinindot doon.

"Can you take our things, Ilagay niyo sa room ko, this is Shany."

"Right away ma'am."

May lumabas na kamay ng robot at kinuha ang mga plastic at tumigil sa harap ni Serena, itinuro niya ang kumot, dahan-dahang binigay ni Serena tapos tumakbo sakin at niyakap ako. Parang bata talaga.

Nawala na ang robot.

"A-ano yun?"

"Wala."

Pinindot ko ulit yun.

"Pwedeng ipaandar niyo na itong elevator, walang I.D itong kasama ko kasi nanjan ang sakanya. Siya si Serena Xyler, Kenneth Xyler's sister."

Umilaw ng green ang mga gilid ng elevator tapos umandar paakyat.

Tumingin ako kay Serena, natatakot talaga siya, nararamdaman ko ang mga kamay niya na nanginginig. napangiti ako at hinaplos ko ang buhok niya na ikinalma niya ng kunti.

Mafia Princess: BLACKWhere stories live. Discover now