Chapter 7 - McDo

4.8K 101 0
                                    

Andito kami ngayon sa mall, naglalakad-lakad.

"Blaine..."

"Hm?"

"Salamat ha."

Napatingin ako sa kanya, nakangiti lang siya.

"Para saan?"

Tanong ko kaya tumingin siya sa akin habang nakangiti.

"Sa lahat-lahat ng ginawa mo para sa akin."

Ngumiti ako sa kanya at tumingin na sa harap.

"Wala yun. I just did it all dahil gusto ko."

"Hm..."

Tumigil ako at tiningnan siya.

"Nagugutom ka ba?"

Tumango lang siya.

"Saan mo gusto? Jollibee? KFC? McDo?"

Kuminang ang mga mata niya ng sinabi ko yung McDo.

"Hoy..."

Napakurap siya.

"H-Ha?"

"McDo ba gusto mo?"

Umiwas naman siya ng tingin. I chuckled at ginulo yung buhok niya.

"Let's go."

Sabi ko at hinawakan kamay niya. Pagdating namin ay marami na ng napapatingin sa amin.

"Anong gusto mo?"

Sabi ko at tumingin sakanya. Nagulat naman ako. Bakit ang pula-pula niya?

"Serena, B-bakit? May s-sakit ka ba?"

Kinakabahan kong sabi sabay kapa ko ng noo niya.

"Hindi naman ah."

Nakatingin lang siya sa iba. Nanlaki naman mga mata ko. Parang may bumaril sa utak ko at dahan-dahang tumingin sa kamay namin.
Namula naman ako.

"Ahm,,A-ah... A-ano"

Nakita kong mas namula siya.

"Sir, ano pong order ninyo?"

Napatingin ako sa cashier. Nangunot noo ko, Kung maka-beautiful eyes to.

"Ah, dalawang cheese burger, dalawang one-piece chicken, apat na extra rice. Hm... dalawang coke float at dalawang McFreeze Dalandan."

Ibinigay ko naman ang pera ko.

"Keep the change, thank you and before that, may itatanong lang ako sa iyo."

"Ano po yun sir?"

Sabi niya habang nag-be-beautiful eyes pa. Walang hiya!

"Hindi ba matatanggal yang mata mo sa kakapabebe mo?"

Nanlalaking matang tiningnan ako ni Serena at siniko ako.

Ano?"

"Baliw ka ba?"

"Bakit totoo naman ah! Kung magpa-cute naman wagas! Ang pangit kaya niya, mukha siyang white-ladyng may tae sa mukha."

Napatawa naman ng mahina si Serena.

Mafia Princess: BLACKWhere stories live. Discover now