Chapter 24 - Jowa?

2.3K 83 2
                                    

Hindi ko alam pero napaiyak ako, hindi dahil sa lungkot pero dahil sa saya. Hindi ko kasi ine-expect na lahat ng mga tao dito ay nag-effort para sakin. I don't even know them but, I'm really thankful that I'm here and they are here.

"Do you like it?"

Napatingin ako sa nagsalita.

"No."

Napatingin naman siya sa akin agad.
Ilang minuto lang siyang nakatingin sakin na parang may hinihintay na parang gusto niyang dagdagan ko pa pero bumuntong-hininga siya at yumuko.

Napangisi naman ako.

"I love it... very much!"

Agad naman siyang napatingin sakin at unti-unting ngumiti.

Hindi ko alam pero napatawa ako ng malakas kaya lahat ng tao dito ay napatingin sakin.

"Bakit mo ko pinagtatawanan?"

"Ang epic kasi ng re-reaksyo-hahahahaa!"

Tawa lang ako ng tawa, napapahawak na nga ako sa tiyan ko at napapalo ko naman ang binti ko pero napatigil ako ng may tumikhim.

"Ehem, ehem, pwedeng tapos na yan?"

Napatingin naman kami kay ate Shany kasama si Red na nakasimangot.

Napasimangot naman ako.

"Anong kailangan mo? Kanina nga iniwan mo ako tapos babalik ka? Ganyan naman kayo eh, aalis kayo tapos sasaktan kami at magmo-move on pa kami pero nung kakamove-on lang namin nagparamdam nanaman kayo."

Nakita kong nagunot ang noo ni Blaine sa sinabi ko.

"Umalis kami yun lang pero hindi namin sinabing mag-move on kayo, umalis kami kasi sobra na ang sakit na pinaparamdam niyo sa aming mga babae."

Tiningnan ko si Blaine tapos tinaasan ko siya ng kilay.

"Umalis kayo pero hindi niyo sinabi sa amin?? Ganun pala kayo, pagnasaktan kayo, hindi niyo man lang sasabihin sa amin kung anong nararamdaman ninyo. Paano rin naman maayos ang problema kung hindi kayo umaamin?"

"Hindi namin sainyo pinaalam kasi alam naming masasaktan kayo at hindi namin sinasabi kasi alam naming lalaki lang ang problema."

Napangisi ako sa sinabi niya.

"Pero mas masakit naman kung malalaman nalang namin na umalis kayo at yang lalaki ang problema, malalaki kasi pride ninyo kaya gumugulo ang relasyon ninyo."

"Hindi kami tanga Serena, umaalis kami to think over things at alam rin naming kailangan ninyong mag-isip rin at hindi malalaki pride namin pero yung iba naman oo pero karamihan saamin, naghihintay lang kami ng panahon para masabi sainyo ang totoo... kasi kapag diritsuhin namin at hindi pa tayo nagkakasundo ng maayos, lalaki ang problema."

"At hindi rin kami tanga Blaine, hindi niyo ba pwedeng gawin na magpaalam man lang na kailangan niyo ng space at sabihin rin ninyo na kailangan natin itong pagisipan. Dapat ganun! Hindi bigla ka nalang aalis!"

"Aish! Umaalis kami kasi mahal namin kayo!"

Natawa ako sa sinabi niya.

"Mahal? Mahal ninyo kami pero ganun pala kayo magmahal, nangiiwan!"

"Hindi niyo kasi kami maintindihan!"

"Hindi niyo rin naman kami maintindihan!"

"Argh! Why are girls so complicated?"

Naiinis niyang sabi pero nainis rin ako sa sinabi niya.

"Kayo rin naman kaya!"

"Hoy! Hoy! Hoy! Awat na! Kung makapagaway naman kayo! Ano? Kayo na magjowa?"

Napatingin kami kay ate Shany tapos nagkatinginan rin kami ni Blaine. Natawa na lang kaming dalawa.

Oo nga, bakit nga kami nagaaway? Hay naku naman, para kaming baliw.

^_^

Mafia Princess: BLACKHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin