Chapter 2: Never been in love

24K 226 19
                                    

Chapter 2: Never been in love

“Argh! Kainis!”

Naagaw ang atensyon ko ng isang babaeng bigla nalang sumigaw sa gitna ng hallway. Nakasimangot ang mukha niya habang nakatitig sa screen ng kaniyang phone. May kasama siyang isang babaeng nakasuot ng eye glasses, naka-braid sideways ang mahabang buhok at may bitbit na maraming libro—typical nerd.

Problema niya? Parang anytime, bigla nalang niyang ibabato ang hawak na phone dahil sa sobrang inis. Sheez, talagang sa hallway pa nag-inarte?

“Ano na namang problema mo, Erica?” tanong ng kasama niyang naka-eye glasses. So Erica pala pangalan nitong chinita na ‘to? “Huhulaan ko. Si Warren na naman, tama?”

Ugh, kabanas! Lalaki lang, pinoproblema niya?

“Hindi na naman siya nagre-reply sa mga texts ko!” ungot nitong Erica.

“Baka naman walang load!” sagot ni nerdy. Oo nga naman!

“Oh, come on!” she says as she rolls her eyes heavenwards. “Kung walang load, bakit ‘di manlang siya maki-text?”

“Ito naman! Parang ‘di kayo nagkikita rito! Isang building lang naman ang layo niyo mula sa isa’t isa!” E ayun naman pala! Tapos kung makapag-inarte naman ‘tong Erica…

Geez! Nasa’n na ba si Ken? Antagal niya naman! Naiinip na ‘ko rito. Nakakangalay tumayo!

“E bakit ba? Anong klase siyang boyfriend?! Ako na nga ‘tong nag-e-effort mag-text sa kaniya tapos gan’yan pa siya umasta? Siguro nagsasawa na siya sa ‘kin. Siguro ‘di niya na ‘ko mahal…”

Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Oh really?

“Baka naman busy,” hirit ni nerdy.

“Busy kamo sa babae niya! Ugh, magsama sila!” sagot ni Erica sabay walk-out. Hinabol naman siya ni nerdy girl. Ayos ang drama, ah?

I know I’ve never been in a relationship before but that was completely, utterly bullshit! Porque hindi lang nagte-text ang boyfriend, ‘di na agad mahal? Hindi lang nakapag-reply, may ibang babae na kaagad? Ang babaw ha! Hindi ko talaga maintindihan ang logic ng mga babae. (Hindi ako kasama d’yan. Hindi dahil sa lesbian ako or what kasi hindi naman ako gano’n. I’m not normal after all. Call me weird, crazy or whatever, I don’t really care.) Ano bang ini-imply niya? Kailangan ba, oras-oras kang ite-text ng boyfriend mo? Hindi naman, ‘di ba? Ang clingy lang! Kung gano’n lang din, e ‘di sana naghanap nalang siya ng text-mate! That’s why I hate commitment. Andaming arte. Kailangan ganito, gan’yan.

Crap. Bakit ko ba pinoproblema ‘to? Makaalis na nga rito! Ite-text ko nalang si Ken na sumunod nalang siya.

Kinuha ko sa bag ang earphones ni Ken (hindi ko pa pala nasasauli), isinuot ito at saka nagsimulang maglakad palabas ng campus habang nagsa-sound trip. Paliko na sana ako nang bigla akong harangin ng isang epal.

Ini-pause ko ‘yung pinapakinggan kong kanta at hinubad ang earphones na suot ko.

Bed friends? (Completed)Where stories live. Discover now