Chapter 3: Not now

6.5K 88 3
                                    

Chapter 3: Not now

Sunday morning rain is falling. Joke. Hapon na ngayon at umuulan. Since wala namang pasok, kasalukuyan akong nagma-marathon ng anime (Death Note, to be specific) habang nakasalampak sa kama with matching food and drinks pa nang biglang mag-vibrate ang phone ko.

Kaagad ko namang binasa ang natanggap na text message.

From: BF

Punta ka rito sa 'min! Ngayon na. Laro tayo! ;)

Tsk! Istorbo! Talaga naman 'tong si Ken! Hindi niya ako madadala sa smiley na 'yan, kung inaakala niya...

I instantly send him a reply.

To: BF

Saka na. Tinatamad ako.

-

At saka ko ni-play ulit ang pinanonood ko. Kaso bigla na naman siyang nag-text.

From: BF

Dali na, please! Libre ko lunch mo for one week.

Aba't—suhulan daw ba ako?

Ni-reply-an ko siya.

To: BF

'Di p'wede. Mayro'n ako ngayon.

Hindi 'yan palusot! Talagang may dalaw ako ngayon!

Siguro nagtataka kayo kung bakit BF ang pangalan niya sa contacts ko. For your information, BF stands for best friend, not boyfriend. Ano, malinaw na?

Minutes later, nakatanggap na naman ako ng reply mula sa kaniya.

From: BF

Sus! Para 'yun lang! E 'di blow job nalang. Dali na! Please? :)

Tss. Ang kulit! Argh. 'Di ko na matapos-tapos 'tong pinanonood ko dahil sa kaniya!

Magta-type pa lang ako ng reply nang bigla siyang tumawag. I immediately answer the call.

"Ano ba Ken! Ang kulit—" Bastos talaga! Kitang 'di pa nga ako tapos magsalita!

"Dali na. please! Libre ko lunch mo for one week," aniya. Wala ako sa mood, dude!

"Busy ako sa panonood ng Death Note. And I'm not in the mood kaya next time nalang, p'wede?" palusot ko. Actually, tinatamad lang talaga akong umalis ng bahay.

"Ito naman! Parang 'di ka best friend! Uunahin mo pa ang anime kaysa sa 'kin? Kapag ikaw naman ang nagre-request, sinusunod ko naman agad. Tapos ngayon—" Drama-han daw ba ako? Ugh!

"Fine! Fine! Tinatamad akong umalis ng bahay kaya ikaw nalang ang pumunta rito sa 'min." I give up! Panalo ka na!

"Pero—" Aarte pa? Pumayag na nga 'ko tapos—argh!

"Aayaw ka pa? Siya 'wag na lang—"

"Sige na! Ako na pupunta d'yan! Hintayin mo nalang ako, okay?" And toot. Binaba niya na ang tawag.

Haha! Sabi sa inyo! I'm the boss!

Great! Sira na tuloy ang mood ko sa panonood! Tsk. Kaya naman ni-close ko na ang window ng pinanonood ko at saka pinatay ang laptop. Iniligpit ko na rin ang mga nagkalat na balat ng chichirya sa k'warto ko. Nang masiguro kong ayos na ang lahat, saka ako muling sumalampak sa kama't kinalikot ang phone ko pampawala ng boredom.

Bed friends? (Completed)Where stories live. Discover now