Chapter 40: Still in love

8K 96 12
                                    

Chapter 40: Still in love

Ilang minuto rin siguro akong nakatitig sa hawak kong invitation nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko. Agad ko iyong kinuha at binasa ang natanggap na mensahe.

From: Ralph Baltazar

Sige. Magkita nalang tayo mamayang 1 pm.

I instantly type a reply and send him a message.

To: Ralph Baltazar

K.

Inilapag ko ang hawak na cellphone sa bedside table at humiga ng kama. Hawak ko pa rin ang invitation sa nalalapit nilang kasal. Mataman ko itong pinagmasdan habang inaalala ang nangyari nitong mga nakaraang araw.

Matapos naming mag-usap, gaya nang aking ipinangako ay nagpunta ako sa kanila kinabukasan at binisita ang anak ko. Hindi rin naman ako masyadong nagtagal do'n dahil may appointment pa ako. Iniabot ko lang ang pasalubong ko at saglit na nakipag-usap sa kanila. Bago ako umalis, may binigay siya akin.

Binuksan ko iyon at binasa ang nilalaman. Invitation pala sa kasal nila.

"Gusto ko sanang ikaw ang best man kaso si Raf ang pumili. Ang kaibigan niya ang kinuha nila," sambit niya at saka ngumiti.

Pinasadahan ko ng tingin ang listahan at nakita ang pangalan ng anak namin, na siyang flowergirl pala sa kanilang kasal. Si Nica ang bridesmaid, at si Allen naman ang tutugtog sa kasal nila.

"Ayos lang," matipid kong sagot. Ni hindi ko nagawang ngumiti sa kaniya.

Matapos no'n ay nagpaalam na ako at saka umalis.

Mula no'n, hindi na ulit kami nagkita. Wala na rin akong balita mula kay Marj mula no'ng gabi ng party. Hindi na ulit kami nagkita pagkatapos no'n. Paniguradong iniiwasan niya na talaga ako. Hindi ko naman siya masisisi. Ako naman, hindi pa rin maiwasang ma-guilty. Hindi ko pa rin nakalilimutan ang huli niyang sinabi:

"Alam mo, sayang tayo. Kung kailan mahal na kita, saka ka pa bumitiw bigla."

Gusto ko siyang kausapin upang makahingi ako nang tawad. Kaso hindi niya naman sinasagot ang mga tawag ko. Hindi rin siya nagre-reply sa mga text ko.

At tuwing pumupunta ako sa kanila, wala naman siya. Kaya tumigil muna ako sa paghahanap sa kaniya pansamantala. Mukhang kailangan niya ng panahon para makapag-isip at makapagpahinga. Saka ko nalang ulit siya kakausapin kapag handa na ang lahat.

If only things were different, it would've been better.

If only we were born in another time, in a better world, in the right place and circumstances...it would've been different. We could have been happy together.

But this is our world. This is my world, my universe. This is reality. And it sucks.

Bed friends? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon