Chapter 39: Shattered

5.3K 84 8
                                    

Chapter 39: Shattered

Nagising ako nang may maramdamang malamig na likidong umagos sa mukha ko.

"Shit! Ang lamig!" bulalas ko.

Napa-upo ako bigla at napahilamos ng palad sa mukha.

Tangina! May halo pang ice cubes ang tinapon sa mukha ko! Basang-basa tuloy pati ang shirt ko!

"Anong ginagawa niyo rito? Ang aga-aga, nambubulabog kayo!" inis kong sabi. "Fuschia! Talagang binuhusan niyo pa ako ng napakalamig na tubig! Puwede niyo naman akong gisingin sa normal na paraan, hindi 'yong ganito!" singhal ko. Kapag ganitong may hang-over ako, madaling umiinit ang ulo ko.

Lalong nadagdagan ang inis ko nang ngumisi si Yna. Inilapag niya ang hawak na pitchel ng tubig sa bed side table, humalukipkip saka nagsalita.

"That is an understatement, sleepyhead," she says and rolls her eyes ceilingwards. "Kanina ka pa kaya namin ginigising! Nakailang sigaw na kami sa 'yo kanina, hinampas ko na rin ang mukha mo at inalog ang balikat mo kaso walang silbi! Tulog mantika ka kasi, lintik ka! Kaya binuhusan ka namin ng malamig na tubig sa mukha. Buti at umubra," pagpapatuloy niya.

Tatayo na sana ako nang biglang sumakit ang ulo ko. "Fuck," I grunt. I'm such a mess. "Ano bang kailangan niyo?" nakasimangot kong tanong sa kanila.

"May atraso ka sa 'min," nakapamaywang na sagot ni Allen. "Gago ka. Hindi mo manlang sinabing nagbalik na pala si Ella," dagdag niya pa. Bigla kong naalala ang nangyari kagabi sa party. Lalong sumama ang pakiramdam ko.

"Puwede bang mamaya nalang natin 'yan pag-usapan? Puyat ako. Patulugin niyo muna ako," humihikab kong sabi saka muling sumalampak sa kama at nagtakip ng kumot.

"Anong mamaya? Bumagon ka na! Mamaya ka na matulog!" sigaw ni Nica, sabay hatak sa kumot ko. Hindi ako nagpatinag. Pumikit ako at nagpanggap na walang naririnig.

"Bumangon ka, may kailangan pa kayong pag-usapan, you jerk!" Isa pa 'tong si Yna! Bigla nalang akong sinipa! "Tatayo ka ba o ano? Mag-isa ka lang! Pagtutulungan ka naming tatlo!" pahabol niya pa.

Napakamot ako sa ulo. "Tsk! Oo na! Tatayo na!" pabalang kong sagot.

Nagkusot ako ng mga mata saka tumayo ng kama. Kinuha ko ang pitchel ng tubig saka nilaklak ang laman.

"Pa'no kayo nakapasok dito sa unit ko?" nagtataka kong tanong sa kanila.

"Dumaan kami sa pintuan, malamang," sarcastic na sagot ni Yna.

"Umayos ka, Yna. Hindi maganda ang gising ko." Aba't! Nagawa pa talaga akong irapan! "Hindi kasi naka-lock ang pintuan mo kaya nakapasok kami! Ayos na?" inis niyang sabi.

Siguro dala nang sobrang kalasingan kagabi, nakalimutan kong i-lock ang pinto. Hindi naman siguro ako nanakawan o ano?

"Ano ba, bitiwan niyo ako!" Dumako ang tingin ko sa may pintuan dahil sa nagsalita.

Naglakad papasok sina Mart at Aero sa kuwarto ko kasama si Ella habang hawak nila sa magkabilang braso. Nakapambahay pa siya at halatang kagigising lang, gaya ko. Sinubukan niyang kumawala mula sa malakas at mahigpit na kapit no'ng dalawa kaso hindi siya nakapalag.

Bed friends? (Completed)Where stories live. Discover now